Magandang balita para sa mga residente ng Brgy. Nagsabaran Claveria, Cagayan dahil tapos na ang konstruksyon ng 114 metro flood control structure sa Cabicungan River ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cagayan 2nd District Engineering Office.
Tutulungan nitong ikontina ang biglaang pagtaas ng tubig sa Cabicungan River ngayong tag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa mga kalapit na lugar.
Pinapurihan ni DPWH Sec. Mark Villar ang naturang opisina sa napapanahong implementasyon ng proyekto na tutulong protektahan hindi lang buhay kundi pag-aari gaya ng mga pananim ng mga residente sa lugar.
Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng DPWH Flood Management Program.