Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw, Abril 5, na 12,000 contact tracers ang nakatakda nilang i-hire sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Ayon kay Assistant Secretary Dominique Tutay, ang mga manggagawa ay magiging employed sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
“They will initially be hired for 10 days and then if their services are still needed, we could extend to 20 days or 30 days,” saad niya sa isang virtual forum.
Ang budget para sa emergency employment program ay nasa Php18 bilyon sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.
Nang tanungin kung magkano ang makukuha ng mga contact tracers sa ilalim ng programa, paliwanag ni Tutay, “If on the national average, what we use is 400 pesos per day times 10 days, multiply it by 12,000 contact tracers, that is the amount.”
Iniulat din niyang 8,000 na manggagawa ang nawalan ng trabaho sa unang linggo ng ECQ sa NCR Plus.
“So between that time and March 31, an additional of around 8,000 workers have been displaced, retrenchment, and permanent closure,” Tutay said.