Binuksan ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cagayan ang Customer Care Center nito sa publiko noong Nobyembre 18 sa Macabalan, Cagayan de Oro kasabay ng kanyang 70th Founding Anniversary.
Magsisilbing one-stop shop ang center na may centralized document receiving and releasing service, information kiosks, gate pass issuance, payment booth, at iba pang customs-related service.
Alinsunod na rin ito sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act na may layong padaliin ang mga proseso sa customs. Layon din ng center na itaguyod ang zero contact policy upang mabawasan ang face-to-face transactions sa lugar.
Panglabing-apat na ang Customer Care Center sa Port of Cagayan na naitayo sunod sa 10-Point Priority Program ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.