1M DOSES NG COVID-19 VACCINE MULA INDIA PARATING NA SA PINAS NGAYONG ABRIL

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion noong Miyerkules, Marso 17, 2021, na sa darating na buwan ay maaari nang magsimulang makatanggap ang pribadong sektor ng isang milyong doses ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Covaxin mula sa India. 

“Adding to our AstraZeneca, Moderna, and Novavax doses, Bharat Biotech’s Covaxin will enter the country, boosting our national vaccination program. Having talked with Ambica and IP Biotech, the distributor for the Covaxin, the private sector is expected to receive one million doses starting April, May, and June,” paglalahad ni Concepcion.

Nitong buwan ay inanunsyo ng Bharat Biotech ang resulta ng Phase 3 ng clinical trial na isinagawa nito para sa Covaxin, na kinabilangan ng  25,800 na mga indibidwal. Ayon rito, matapos mabigyan ng pangalawang dose ng Covaxin ang mga kasali sa naturang trial ay nagpakita ang bakuna ng 81 porsyentong bisa laban sa COVID-19 sa mga indibidwal na wala pang naunang kaso ng pagkahawa sa virus. 

Ang Covaxin ay ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ngayong Huwebes, Marso 18, ay magsasagawa ng briefing para magkaroon ang mga kumpanya ng pagkakataong mas malaman pa ang ibang detalye ukol sa nasabing bakuna at makakuha ng kaukulang doses kung kinakailangan. 

Nakatakdang talakayin ni Bharat Biotech Business Development and Advocacy Unit Head Raches Ella ang mga teknikal na aspeto ng bakuna. Sasamahan siya ni IP Biotech Scientific Advisor Dr. Noel Miranda sa pagsagot ng mga katanungan mula sa mga kasali sa briefing na manggagaling sa pribadong sektor.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.