2 KASO NG COVID-19 INDIAN VARIANT SA BANSA, KINUMPIRMA NG DOH

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Kinumpirma ng Department of Health na mayroong dalawang kaso ng Indian COVID-19 variant sa bansa na unang namataan sa India nitong Oktubre 2020.

“For the 46 samples that were sequenced, there were two incoming returning overseas Filipinos who were included, and one came from Oman and the other from UAE. They tested positive for the India variant. No history of travel to India or they did not come from India nor passed through India,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon kay Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman naka-recover na ang dalawang kasong ito at kasalukuyang asymptomatic.

Sa impormasyong nakalap ng DOH, dumating sa bansa ang unang kaso noong Abril 10 at naka-recover mula sa COVID-19 nitong Abril 26. Noong Abril 19 naman dumating sa bansa ang pangalawang kaso at nakarecover sa virus nitong Mayo 6.

Kasalukuyan, nasa SOCCSKSARGEN ang isang kaso at nasa Bicol naman ang isa pa.

“‘Yung mga passengers na kasama nila sa row ay nag-test negative na po. Inaalam din natin kung sila ay naka-kumpleto na ng quarantine,” pahayag ni De Guzman.

Samantala, hindi pa makumpirma sa kasalukuyan ng DOH kung positibo rin sa ibang COVID-19 variant ang limang pasaherong nagpositibo sa COVID-19 kamakailan.

Nanawagan naman si Usec. Vergeire sa publiko na sumunod sa minimum health standards upang makontrol ang pagkalat ng virus.

“Ang virus po, hindi siya magmu-mutate kung mababa po ang mga kaso. So, kailangan tuluy-tuloy po tayo,” paalala ni Usec. Vergeire.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.