Nagkapiling muli ang dalawang magkapatid matapos magkahiwalay nang maraming taon matapos mapasanib sa communist underground movement ng CPP-NPA nitong Pebrero 15.
Boluntaryong sumuko si Ka Redy, 25, nang malamang naaresto ang nakababatang kapatid na si Ka Anda, 17, kasama ang dalawang armadong iba pa sa Northern Samar. Si Ka Anda ay isa sa child warriors na napasama sa CPP-NPA sa murang edad.
“This is a strong message to all members deceived by the communist terrorist groups, you were convinced to leave your families so that they can drag you into a failed communist campaign,” saad ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.
Sinuko rin ni Ka Redy ang kanyang mga armas sa Silvino Lubos Municipal Police Station.
Siniguro ni PNP Chief Sinas na makakatanggap ng tulong ang dalawang magkapatid sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno na ginawa para sa rebel returnees at kani-kanilang pamilya.