23 quarantine facilities, target matapos ngayong Agosto – DPWH

Ni Monica Ladisla
(Photo credit: Department of Public Works and Highways)

Ipinahayag ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na puspusan na ang isinasagawang pagtatayo ng karagdagang 23 quarantine facilities sa Metro Manila upang matapos ngayong Agosto.

“Our DPWH team is working on expediting the construction of isolation facilities that can accommodate patients with mild symptoms so that severe and critical cases can be prioritized in NCR hospitals,” pahayag ni Sec. Villar. 

Ayon pa sa isolation czar, prayoridad umano ang pagtapos sa mga pasilidad na ito matapos magdeklara ng full capacity ang ilang ospital sa Maynila para sa COVID-19 patients.

Iniulat din niya na nakatakdang itayo ang walong quarantine facilities sa lungsod ng Quezon, apat sa lungsod ng Pasay, dalawa sa lungsod ng Pateros at isa sa bawat lungsod ng Maynila, Marikina, Parañaque, Makati, Valenzuela, Caloocan, Muntinlupa, Malabon, at Navotas. Sa kabuuan, aabot sa 2,417 ang bed capacity ng proyektong ito.

Sa Quezon City, patuloy ang pagsasagawa upang matapos na ang 270-bed capacity sa Tandang Sora National High School Quarantine facility; 427 beds para sa Emilio Jacinto Senior High School sa Pasong Tamo; 44 beds para sa converted container van sa Quezon City General Hospital; 64 beds para sa converted container van sa Quezon City University; at 16 beds para sa converted container van sa House of Representatives.

Ayon pa kay Sec. Villar, magkakaroon din ng karagdagang 48-bed facility ang bawat pasilidad ng Armed Forces of the Philippines Medical Hospital, Quezon Institute Hospital, at Camp Aguinaldo Hospital.

Sa Lungsod ng Pasay, plano ring ipatayo ang 172-bed capacity mobile facility malapit sa WMall sa Macapagal Avenue, 72-bed facility sa Villamor airbase, 70-cubicle facility sa Pasay City Sports Complex kasama na ang dalawang nurse stations, at 276-bed facility sa Folk Arts Theater kasama na ang limang nurse stations.

Patuloy rin ang pagtapos ng 64-bed facility kasama na ang apat na health worker rooms sa Ramos Pateros Elementary School at sa isa pang unidentified site.

Magkakaroon din ng quarantine facilities sa Manuel L. Quezon University sa Maynila; sa Barangay Nangka sa Marikina; sa Parañaque City College; sa Lungsod ng Makati; at sa Lingunan National High School sa Lungsod ng Valenzuela.

Plano rin ng DPWH na magpatayo ng pasilidad sa Caloocan City North Medical Center compound; Barangay Tunasa sa Lungsod ng Muntinlupa; sa Lungsod ng Malabon; at Lungsod ng Navotas.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.