25K KATAO SUMAILALIM SA PAGSASANAY PARA MAGING COVID-19 VACCINATOR; PFIZER VACCINE INAASAHANG DARATING SA PEBRERO

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na humigit kumulang 25,000 katao ang kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccines para sa nalalapit na mass vaccination sa bansa.

Ayon kay Sec. Galvez, naghahanda na umano ang mga lokal na pamahalaan, lalo na ang mga nasa Metro Manila, sa listahan ng mga prayoridad na makakatanggap ng bakuna.

“We are training more or less 25,000 vaccinators. ‘Yung ating mga LGUs lalo na dito sa NCR nagko-consolidate na sila ng mga masterlist ng mga magpa-participate sa nationwide vaccination,” pahayag ni Sec. Galvez.

Inaasahang 50,000 katao ang mababakunahan sa Pebrero gamit ang Sinovac vaccines. Ani Sec. Galvez, magsisilbi umano itong rehearsal para sa national rollout ng bakuna sa bansa.

“Magkakaroon tayo ng national rollout. So ito ‘yung tinatawag natin na rehearsal para matuto ‘yung ating mga vaccinator at para makita natin ‘yung assimilations kung paano natin gagawin ang nationwide rollout,” paliwanag si Sec. Galvez.

Dagdag pa niya, nakadalo na umano ng lectures ang mga vaccinator at ang magaganap na unang yugto ng pagbabakuna ang magsisilbing “practical exercise” ng mga ito.

Inaasahang sa Pebrero magsisimulang dumating ang mga bakuna galing sa bansang Tsina at sa mga susunod na buwan, darating ang iba pang bakunang binili ng gobyerno sa iba pang pharmaceutical companies.

Subalit, may posibilidad pa rin umano na maunang dumating ang bakunang gawa ng Pfizer sa pangunguna ng Covax facility, sapagkat kabilang umano ang bansa sa maagang rollout nito na inaasahan din ngayong Pebrero.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.