28 LUGAR SA BANSA ISASAILALIM NA RIN SA ALERT LEVEL 3

Ni M.L.
Photo credit: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Isasailalim na rin ng Inter-Agency Task Force ang 28 lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa alert level 3 bunsod ng naitalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga naturang lugar.

Ayon sa ulat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga sumusunod na lugar ay itataas sa alert level 3 mula Enero 14 hanggang 31:

LUZON

  • Benguet, Kalinga, at Abra sa the Cordillera Administrative Region
  • La Union, Ilocos Norte, at Pangasinan sa Region 1
  • Nueva Vizcaya, Isabela, at Quirino sa Region 2
  • Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3
  • Quezon Province sa Region 4-A
  • Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4-B
  • Camarines Sur at Albay sa Region 5

VISAYAS

  • Bacolod City, Aklan, Capiz, at Antique sa Region 6
  • Cebu City at Mandaue City sa Region 7
  • Tacloban City sa Region 8

MINDANAO

  • Cagayan de Oro City sa Region 10
  • Davao City sa Region 11
  • Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA
  • Cotabato City sa BARMM

Ayon kay Nograles na siya ring IATF Spokesperson, mananatili sa kasalukuyang alert level classification ang mga lugar na hindi nabanggit sa listahan. 

Kasalukuyan umanong nasa alert level 2 ang general risk classification ng bansa subalit hindi umano ito naging hadlang sa pandemic task force ng bansa na itaas ang klasipikasyon ng isang lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Nakatakda namang magpulong ang mga miyembro ng IATF ngayong Enero 13 upang pag-usapan ang alert level sa iba pang parte ng bansa mula Enero 16 hanggang 31.

#BalitaCentral
#BCS
#IATF

Source: https://pcoo.gov.ph/OPS-content/28-areas-elevated-to-alert-level-3/

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.