Tatlong bagong multi-role police helicopters ang nadagdag sa PNP-SAF Air Unit hangar nitong Enero 29 mula Airbus Helicopters Southeast Asia PTE LTD sa Manila Domestic Airport sa Pasay.
“These new air assets will further boost our operational capability in support of the anti-insurgency and anti-terrorism campaign,” sinabi ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.
Kinuha ang pondo para sa tatlong bagung-bagong H-125 Airbus single engine turbine helicopters na may registry numbers RP-2420, RP-6088, at RP-9710 sa General Appropriations Act 2019.
Dahil sa dagdag na helicopters, mayroon na ngayon ang PNP fleet ng pitong H-125 Airbus, dalawang R-22 Robinson police helicopters, at isang fixed-wing trainer aircraft dito sa Metro Manila.
Plano ng PNP na gamitin sa Central Visayas, Southern Mindanao, at Northern Luzon ang ilan sa helicopters.
Plano ring kumuha ng air ambulance ang PNP.