4 NA BAGONG PANUKALANG BATAS KABILANG ANG MEDICAL SCHOLARSHIP, NILAGDAAN NA NG PANGULONG DUTERTE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 23 ang apat na mga bagong panukalang batas, kasama na ang pagkakaloob ng medical scholarships para sa mga nais na maging manggagamot sa bansa.

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act (RA) 11509, o mas kilala bilang Doktor Para sa Bayan Act na nagbibigay ng Medical Scholarship and Return Service o MSRS program para sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyanteng Pilipino sa state universities at colleges (SUCs) at sa mga pribadong higher education institution sa mga rehiyong walang SUCs na nag-aalok ng kursong medisina. 

Prayoridad ng naturang batas ang mga kwalipikadong aplikante mula sa mga bayan na walang doktor na nagtatrabaho sa gobyerno o government physician upang masigurong may kahit isang pampublikong manggagamot na madedestino sa bawat munisipalidad sa bansa.

Bilang kapalit ng nasabing scholarship, ang iskolar ay kinakailangang manilbihan sa publiko ng hindi bababa sa anim na taon kung kukunin nito ang four-year program, at pitong taon naman kung siya ay sasailalim sa five-year program.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nilagdaan din ng Pangulo ang RA 11510 o ang Alternative Learning System (ALS) Act na naglalayong makapagpatayo ng learning center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa para sa mga mag-aaral na may kapansanan, mga galing sa marginalized sector, at mga indibidwal na nasa sapat na gulang na at nais makapagtapos ng pormal na basic education. 

Layunin din ng nasabing batas na makapag-empleyo ng mga guro na magtuturo ng ALS sa mga malalayo at hindi gaanong nabibigyang-prayoridad na mga lugar sa bansa. 

Nilagdaan din ng chief executive ng bansa ang RA 11511 o kilala rin sa tawag na Amendments to Organic Agriculture Act of 2010, at ang RA 11517, ang batas na nagbibigay-pahintulot sa Pangulo na madaliin ang pagproseso at pagbibigay ng national at local permits, at mga lisensya at sertipikasyon sa panahon na may national emergency.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.