4K HOSPITAL BEDS, IDADAGDAG SA COVID-19 ISOLATION FACILITIES NGAYONG MAYO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“May 23,000 bed capacity na ang nagawa ng DPWH [Department of Public Works and Highways] nationwide and ang target po namin is madagdagan pa ito ng mga almost 3,000-4,000 by next month.”

Ito ang ipinahayag ni DPWH Secretary at Isolation Czar Mark Villar sa gitna ng plano ng pamahalaan na dagdagan ang bed capacity sa COVID-19 isolation facilities ng bansa sa susunod na buwan hanggang sa umabot ito ng 26,000.

Ang hakbang na ito ay isasagawa upang matugunan ang pagdami ng pasyente ng COVID-19 sa mga ospital kasabay ng muling pagtaas ng kaso ng pagkahawa sa virus.

Ayon sa DPWH, ang kasalukuyang bilang ng COVID-19 isolation beds sa bansa ay katumbas ng higit sa 600 na naitayong quarantine facilities, habang ang 26,000 namang kama na planong idagdag ng pamahalaan ay magiging katumbas ng 720 isolation facilities.

Paglalahad ng Kalihim ng DPWH, sa ilalim ng Bayanihan 2, o ang “Bayanihan to Recover As One Act” ang batas na naglalayong matulungang makabangong muli ang ekonomiya ng bansa mula sa dagok na dala ng pandemya — mayroong nakalaang P5 bilyon para makumpleto ang naturang programa.

Dagdag pa niya, karamihan sa idadagdag na mga kama ay mapupunta sa National Capital Region, ang itinuturing na COVID-19 epicenter ng bansa, na mayroong 75 porsyentong occupancy rate.

Sinabi rin ni Villar na sa susunod na buwan ay magagamit na ang dalawang 88-bed facilities sa Metro Manila. Ang mga ito ay mapupunta sa Quezon Institute (QI) at Lung Center of the Philippines. Ito ay bukod pa sa 110-room offsite modular hospital na pinasinayaan nito lamang Martes, Abril 6, 2021.

Sa nasabing pagpapasinaya, binanggit ng Isolation Czar ng bansa na may karagdagang mga kuwarto ring magbubukas para sa COVID-19 patients ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City. Ipinahayag naman ni Senator Bong Go sa naturang pagpapasinaya na nakatakda ring dagdagan ang bilang ng COVID-19 beds sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Sa mga lokal na pamahalaan, sinabi ni Villar na maaari silang makipag-ugnayan sa DPWH kapag nakita nilang kinakailangang dagdagan ang mga pasilidad sa kani-kanilang nasasakupan. Ang pagbibigay-prayoridad ay dedepende naman sa occupancy rate sa naturang mga lugar.

Tiniyak din ng pinuno ng DPWH na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang mapataas ang bilang ng bed capacity sa bansa. Nasa mga huling hakbang na aniya ang ginagawang pagtatayo ng mga karadagang pasilidad, tulad na lamang ng modular hospitals.

“We will continue to produce more. These new variants are very strong, they attack very quickly, but we will respond very quickly, and we will respond very aggressively,” pahayag ng opisyal.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.