Lungsod ng Quezon — Limang hinihinalang mga magnanakaw ang patay sa palitan ng putok sa mga operatiba ng QCPD District Special Operations Unit (DSOU) at Highway Patrol Group (HPG) nitong Pebrero 19.
Sa ulat, pinagnakawan diumano ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek ang Uno Gasoline Station sa Espirito Cmpd. Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo bandang 4:00 a.m.
Nasaksihan diumano ang insidente ni PMSG Ericson Remigio ng PNP Legal Service na humabol sa mga tumatakas na suspek. Humingi rin umano ito ng tulong sa QCPD-HPG na sa mga oras na iyon ay nagsasagawa ng anti-carnapping operation sa Atherton St., Brgy. North Fairview.
Nagdulot ang habulan sa pagkamatay ng dalawa sa mga suspek bandang Baluyot Drive, Brgy. Sauyo.
Nagsasagawa naman ng surveillance o casing operation ang DSOU sa Walnut St., Brgy. West Fairview nang makita ang mga hinahabol na suspek. Sa tulong ng mga nabanggit na operatiba, naipit ang tatlo pa sa mga suspek sa Espiritu Cmpd. Pingkian 2, Brgy. Pasong Tamo.
Imbis na sumuko ay nakipagputukan pa ang tatlo na nagresulta sa kanilang pagkamatay.
Nakuha sa mga suspek ang isang cal.45 pistol na may magazine na kargado ng isang cartridge, tatlong cal.38 revolvers, isang shotgun, apat na sachet ng shabu, isang Honda Click motorsiklo, isang Mio Soul, at isang cellphone.