50% ng COVID cases sa Pinas, galing sa ‘working age group’ – WHO

Ni Raiza F. Cabugwang
(PNA photo by Robert Oswald P. Alfiler)

Ayon sa inilabas na ulat noong Martes ng World Health Organization (WHO), mahigit sa kalahati ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ay nagmumula sa mga indibidwal na may edad 20 hanggang 40 taong gulang, o iyong mga kabilang sa kung tawagin ay “productive age group” ng bansa. 

Sinang-ayunan naman ito ng Department of Health (DOH) na nagsabing nasa higit 113,000 ng kaso sa bansa ang kabilang sa working age group o iyong mga aktibo sa paghahanapbuhay. 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa bilang na ito, 37,188 na kaso ang kasama sa 20 hanggang 29 na age group; 34,700 naman ang may edad 30 hanggang 39 taong gulang; 23,939 ang nasa 40 hanggang 49 taong gulang; at 18,087 naman ang kabilang sa age group na 50 hanggang 59 taong gulang.

Ayon kay WHO Programme Area Manager Tamano Matsui, nakababahala ang ulat na ito sapagkat ang kabilang sa nasabing aktibong age groups ay mas may tsansang magkaroon ng mild na sintomas o maging asymptomatic lamang kaya’t maaari silang makahawa nang hindi nila namamalayan.

Base naman sa pahayag ni Usec. Vergeire, maaari ring sanhi ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga kabataan ang pagkahawa mula sa miyembro ng pamilya na kabilang sa working age group na kinakailangang lumabas ng bahay para magtrabaho. 

“Part of the households are children so maaari na ‘pag umuwi sila (working group), maaaring naapektuhan ‘yong mga bata at nai-infect,” pahayag ng tagapagsalita ng DOH. 

Ayon naman kay Dr. Takeshi Kasai, regional director ng WHO Western Pacific, nasa “new phase” na aniya ng pandemya ang Asia Pacific kung kaya’t ang maagang pagtuklas ng virus sa mga apektadong indibidwal at ang agarang pagresponde ng pamahalaan ukol dito ang magiging susi upang magwagi sa laban kontra COVID-19. 

“The direction [of] the epidemic now depends on the action of the government and [the] people,” ani regional director Kasai. 

Iginiit din niya ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng lahat sa giyera kontra sa pandemya.

“What’s important is everybody pays attention and [takes] action as if you might be infected,” dagdag pa ng WHO regional director.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.