500K KARAGDAGANG DOSES NG SINOVAC VACCINES, DUMATING NA SA BANSA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph; NTF Against COVID-19
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Dumating na sa bansa nitong Huwebes, Abril 22, 2021, ang karagdagang 500,000 doses ng CoronaVac, ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na gawa ng Chinese biopharmaceutical company na Sinovac BioTech.

Ang naturang doses ng bakuna na binili ng pamahalaan ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 2 lagpas alas-singko ng hapon ng Abril 22 lulan ng  Philippine Airlines flight PR359.

Nasaksihan ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. ang pagdating ng nasabing karagdagang suplay ng bakuna.

Ayon kay Galvez, siya ring Vaccine Czar ng bansa, 100,000 doses mula sa kabuuang 500,000 doses ng CoronaVac na dumating sa bansa ay mapupunta sa National Capital Region (NCR), ang itinuturing na epicenter o sentro ng COVID-19 sa bansa.

Ayon pa sa Kalihim, napag-usapan aniya ng NTF at ng National Immunization Technical Advisory Groups na damihan ang suplay ng bakuna sa NCR upang mas marami pa ang mabakunahan dito at agad na matamo ng bansa ang herd immunity pagsapit ng Oktubre o Nobyembre ng taong ito. Ang herd immunity ay natatamo kung malaking bilang na ng populasyon ang may posibilidad na hindi na tatablan ng virus bunsod ng pagbabakuna.

Samantala, ang natitirang 400,000 doses pa ng CoronaVac ay ipamamahagi sa highly urbanized cities na may mataas na COVID-19 attack rate, kabilang na ang ilan sa mga lugar sa Region 6 (Western Visayas) at Region 7 (Central Visayas), partikular na ang Cebu at Davao.

Matatandaang dumating sa bansa ang unang batch ng CoronaVac vaccine na naglalaman ng isang milyong doses ng bakuna noong Marso 29, at sinundan naman ito ng pangalawang batch na naglalaman ng 500,000 doses na dumating naman noong Abril 11.

Ang kauna-unahang isang milyong doses ng Sinovac vaccine na natanggap ng Pilipinas ay ibinigay ng pamahalaan ng China bilang donasyon sa bansa. Dumating ang unang batch nito na naglalaman ng 600,000 doses ng bakuna noong Pebrero 28, at sinundan naman ito ng karagdagan pang 400,000 vials noong Marso 24.

Bukod sa CoronaVax vaccines, natanggap na rin ng bansa ang 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX facility, na siyang nangangasiwa upang siguraduhing pantay-pantay ang magiging suplay ng mga bakuna sa lahat ng bansa sa mundo.

Samantala, sinabi naman ni Secretary Galvez na mayroon pang paparating na karagdagang batch ng CoronaVac vaccines sa Huwebes, Abril 29. Ang batch na ito ay pantay-pantay aniyang ipamamahagi sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.