9 ROBBERY EXTORTION SUSPECTS NA NAGTANGKANG MANGIKIL NG ISANG GOVERNMENT CONTRACTOR, NALAMBAT NG QCPD

Ni Joan Alcantara
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

LUNGSOD NG QUEZON Huli sa entrapment operation ng QCPD Crime Investigation Section (CIS) ang siyam na katao nitong Enero 30 bandang 11:15 a.m. sa Racks Restaurant No. 40 Timog Avenue, Brgy. South Triangle matapos ang pagbabanta at tangkang pangingikil sa isang contractor na nagbalak umatras sa isang ilegal na negosasyon.

Arestado sina Kristine Esplana, 34, ng Sierra Lapaz, Tarlac; Jennifer Rosero, 35, ng Cainta, Rizal; Marie Victoria Acebron, 29, ng Marikina City; Jennet Umali, 45, ng Brgy. Tandang Sora; Rowena Bauzon, 45, ng Brgy. UP Campus; Reynaldo Rios, 64, retired OFW ng Brgy. Santol; Merlito De Luna, 40, ng Bacoor Cavite; Abdullah Romeo Ng, 51, ng Taguig City; at Michael Angelo Mendoza, 45, ng U.P Diliman.

Unang nakasalamuha diumano ng biktimang si Augusto Caesar Foronda, 64, may-ari ng M. Imperial Construction Company na karamihan sa contractor projects ay gusali, daan, at drainage para sa gobyerno, sina De Luna, Bauzon, at apat pang katao noong Enero 29 ng 6:00 p.m. sa No. 19 East Restaurant at Sucat, Muntinlupa City upang pag-usapan ang isang kontrata ng biktima sa QC.

Naghinala na ang biktima nang banggitin diumano ni De Luna na kaya ng grupo nitong laktawan ang bidding process ng government contracts sa QC dahil konektado sila sa Office of the Mayor. Tinawagan pa diumano ni De Luna si Rios na nagsabi ring kilala nila ang mayora ng QC.

Nang tangkaing umatras ng negosyante, sinimulan na diumano siyang takutin ng mga suspek at pinilit na magbigay ng Php5,349,700.00 o 1.75% ng kabuuang halaga ng pinag-uusapan nilang kontrata.

Agarang nakipag-ugnayan ang biktima sa QCPD CIS na nagkasa ng entrapment operation nang sumunod na araw.

Nakuha sa mga suspek ang marked money na PhP5-milyon.

Kakasuhan ang mga ito ng Robbery Extortion, Grave Threats, at Usurpation of Authority.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.