Itinala ng Bureau of Customs (BOC) ang pinakamataas nitong resolution rate sa 94.41% ng mga reklamong natanggap ng ahensya sa Malacañang’s 8888 Hotline mula Enero hanggang Oktubre ngayong 2020.
Sa 286 tickets, 270 ay naresolba na. Sampu sa mga ito ay nalutas na nitong Nobyembre habang naghihintay na lang ng feedback ang natitira pang 6.
Sa 8888 hotline maaaring magreklamo ang publiko ukol sa red tape o magsumbong ng mga korap na akitibidad sa gobyerno.
Sa kaparehong panahon, nakapagproseso at resolba rin ang BOC ng 520,507 tickets o 100% ng iba’t ibang isyung pumasok sa Customer Care Portal System ng ahensya. Nasa 0.84 day per ticket ang average response time ng BOC at average resolution rate ng 4.31 days.
Ito’y sa kabila ng mga restriksyong dulot ng community quarantine.