AFP MOBILE KITCHEN NAGPAKAIN SA MGA PAMILYA SA QC

Ni Trish Alcantara
Photo: 7CRG, CRSAFP
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Namigay ng nasa 3,000 maiinit na food packs para pananghalian at hapunan ang AFP nitong Abril 29 sa mga indibidwal at pamilya sa Brgy. Socorro, QC.

Namigay ang culinary trained na mga militar sa pamamagitan ng AFP Mobile Kitchen ng pagkain sa street sweepers, pedicab drivers, at mga pamilyang nakatira sa slum areas sa barangay.

“The AFP Mobile Kitchen is one of our soldiers’ humanitarian actions to help and provide assistance to our less fortunate kababayans as our nation continues to battle the COVID-19 pandemic,” pahayag ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana.

Nagsimula ang community-based efforts ng AFP sa ilalim ng “Kapwa Ko Sagot Ko” na kampanya ng ahensya noong Marso 2020 para tulungan ang mga komunidad na labis na naapektuhan ng pandemya.

Tulung-tulong ang AFP Civil Relations Service, Joint Task Force-NCR, at AFP Quartermaster General sa implementasyon ng proyekto. Nagbigay ng kani-kanilang personnel ang 7th Civil Relations Group at 11th Civil Military Operations Battalion, samantalang tumulong naman sa trapiko at pagpapatupad ng health at safety protocols ang QCPD.

Galing naman ang mga pagkain sa AFP-DND Sojourners Club, Master in National Security Administration Regular Class ‘52, at Tanging Yaman Foundation.

Suportado ng aktibidad ang pangkalahatang pagsisikap ng gobyerno na matulungan ang mga Pinoy ngayong umiiral ang MECQ sa NCR at malimitahan ang galaw ng mga sibilyan para makontina ang virus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.