APAT NA LOCAL PHARMACEUTICAL FIRMS NAGPAHAYAG NG INTERES SA PAGGAWA NG BAKUNA KONTRA COVID-19

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ng opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) na apat na pharmaceutical firms sa bansa ang nagpahayag ng kanilang interes sa paggawa ng COVID-19 vaccines.

Parehong kinumpirma ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevara at DOST-PCHRD Executive Director Jaime Montoya na mayroong ilang miyembro ng local pharmaceutical industry ang nais umanong lumikom ng pondo upang mailunsad ang kauna-unahang local vaccine industry ng bansa.

Ibinahagi rin ni Usec. Guevara sa nagdaang ika-39 founding anniversary ng Philippine Council for Health Research and Development  na unang linggo pa lamang ng buwan ng Marso, nakikipag-ugnayan na umano ang DOST sa ilan sa mga foreign partner nito upang talakayin ang vaccine development.

Kumbinsido rin si Montoya na dadami pa ang mga kumpanyang magnanais na pumasok sa vaccine development at production kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration sa ilang foreign-made COVID-19 vaccines.  

“Pinoy-based po ‘yan, ‘yan po ang mga local companies sa ating bansa na makipagpartner , for the first time, makipagpartner sa foreign vaccine developers para magkakaron tayo ng kakayanan na mag-manufacture sa ating bansa,” ani Montoya.

Paliwanag ni Guevara at Montoya, fill-and-finish vaccine manufacturing agreements ang pinaplanong gawin sa bansa kung saan mag-aangkat ng bakuna ang Pilipinas mula sa ibang bansa at ilalagay ang mga ito sa isang vial, ampoule, o single-shot syringe para sa commercial distribution.

Ayon kay Montoya, importanteng magkaroon ng local vaccine industry ang bansa at aniya, “it will enable us to have some degree, or maybe a  high degree of vaccine self-sufficiency.”

Dagdag pa niya, maaaring umabot ng 18 buwan hanggang tatlong taon bago matapos ang pasilidad para sa fill-and-finish vaccine manufacturing sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.