APLIKASYON PARA SA COVID-19 EMERGENCY LOAN PROGRAM NG GSIS, BUKAS NA MULI

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Simula Lunes, Marso 22, 2021, ang Government Service Insurance System (GSIS) ay tatanggap ng mga bagong aplikasyon kaugnay sa kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) emergency loan program.

Bukas ang nasabing aplikasyon para sa mga aktibong miyembro at pensyonado ng GSIS hanggang sa Hunyo 21 ng taong kasalukuyan.

Gayunpaman, hindi na maaaring magbigay ng kanilang aplikasyon ang mga dati nang nagsumite at naka-benepisyo mula sa parehong pautang.

Matatandaang nag-alok ang GSIS ng parehong loan program noong 2020 para sa mga empleyado ng gobyerno at iyong mga nagretiro na sa serbisyo-publiko bilang ayuda sa gitna ng dagok na dinanas ng mga ito sanhi ng pandemya.

Iyong mga miyembro o pensyonadong nanghiram ng halaga mula sa tanggapan sa ibang kadahilanan, tulad na lamang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal noong nakaraang taon, ay kwalipikado pa rin sa nasabing COVID-19 loan program.

Maaaring makahiram ng hanggang P40,000 iyong mga kwalipikadong miyembro na may kasalukuyan pang binabayarang emergency loans sa GSIS. 

Iyong mga miyembro naman na walang binabayarang emergency loan sa tanggapan, kasama na ang disability at old-age pensioners nito, ay maaaring makahiram ng hanggang P20,000.

Hinihikayat ng GSIS ang mga interesado para sa nasabing programa na magsagawa ng contactless loan applications, kagaya ng pagsusumite ng kanilang aplikasyon sa e-mail addresses na nakalista sa GSIS website.

Tatanggap din ang GSIS ng mga aplikasyon na ihuhulog sa kanilang drop boxes at sa tinatawag na “Gwaps” kiosks na matatagpuan sa mga opisina ng GSIS sa buong bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.