ASTRAZENECA MAAARI NANG MULING ITUROK SA HINDI SENIOR CITIZENS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of Anadolu; pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Maaari nang muling mabakunahan ng AstraZeneca vaccine ang mga indibidwal na hindi pa umaabot sa 60 taong gulang. 

Ito ay matapos aprubahan ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) na alisin na ang suspension order sa nasabing bakuna. 

Ang desisyong ito ay inilabas ng Kagawaran matapos ang isinagawang pagsusuri ng ibang mga bansa hinggil sa mga ulat ng blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga nabakunahan nito. 

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo noong Huwebes, Abril 15, 2021, na ipinadala niya ang naturang rekomendasyon kay Health Secretary Francisco Duque III bilang pagmumungkahi na ituloy ng pamahalaan ang paggamit ng naturang bakuna sa mga indibidwal na hindi pa tumutuntong ng 60 taong gulang. 

Iginiit ni Domingo na mas nakalalamang aniya ang mga benepisyong makukuha sa naturang bakuna kaysa sa banta na maaaring idulot nito. 

Matatandaang noong Abril 8 ay naglabas ng kautusan ang DOH at FDA na pansamantala munang ihinto ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccine matapos matuklasan ng drug regulators mula sa Europa na mayroong kaugnayan sa pagitan ng nasabing bakuna at ng ilang mga kaso ng hindi pangkaraniwang blood clots na may kaakibat na mababang platelet count sa ilang mga indibidwal na nabigyan nito. 

Gayunpaman, nauna ring iniulat ng DOH na wala silang natanggap na balita ng blood clotting sa mga Pilipinong nabakunahan na ng AstraZeneca vaccine. 

Naipamahagi na ng pamahalaan ang halos lahat ng 525,600 doses ng AstraZeneca na dumating sa bansa nitong nagdaang Marso. 

Inaasahan namang darating na sa bansa ang karagdagang suplay ng AstraZeneca vaccines pagsapit ng Mayo o sa mga unang linggo ng Hunyo. Ito ay gagamitin bilang pangalawang doses, at magmumula ito sa COVAX, ang pasilidad na nagtitiyak na magiging pantay-pantay ang distribusyon ng suplay ng COVID-19 vaccines sa lahat ng mga bansa sa mundo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.