ASTRAZENECA VACCINES, DUMATING NA SA BANSA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Dumating na sa Pilipinas nitong gabi ng Huwebes, Marso 4, ang unang batch ng AstraZeneca Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na nagmula sa COVAX Facility, na siyang namamahala upang masiguro ang pantay-pantay na distribusyon ng mga bakuna laban sa virus sa iba’t ibang panig ng mundo. 

Bandang 7:10 ng gabi ay lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong naglalaman ng 487,200 doses ng naturang bakuna mula sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm. 

Agad namang inilipat ang mga suplay ng bakuna sa Villamor Air Base kung saan sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang pagdating ng mga ito. 

Naroon din sa naturang makasaysayang pagsalubong ang ilang mga opisyal mula sa mga bansang kasapi ng European Union, na siya namang nagbigay sa Pilipinas ng naturang suplay ng AstraZeneca vaccines. 

Ayon sa Pangulo, ang pagdating ng AstraZeneca vaccines sa bansa ay makatutulong sa pagpapaigting ng programa ng pamahalaan sa pagbabakuna laban sa COVID-19. 

Dagdag pa ng Presidente, gagawin ng pamahalaan ang mga hakbang upang agad na maipamahagi ang mga bakuna sa iba’t ibang komunidad. 

“On this note, I would like to appeal to all our kababayans, please get vaccinated against COVID-19, and be the government’s partner in preventing the further spread of the disease. These vaccines are safe, and they are the key to reopening our society,” pahayag ni Pangulong Duterte. 

Mula naman sa Villamor Air Base ay isinakay ang mga bakuna patungong Metropac, Marikina, kung saan ito iiimbak at sasailalim sa repackaging bago ito ipamahagi. 

Bagama’t wala pang pinal na listahan ang pamahalaan sa mga bibigyang-prayoridad na maturukan ng nasabing bakuna, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na inirerekomenda ng ilang mga doktor na ipamahagi ang mga ito sa senior healthcare workers ng bansa. 

Inirerekomenda rin ng World Health Organization (WHO) na bigyang-prayoridad ang medical frontliners, iyong mga may mataas na tsansa ng exposure sa virus, at mga matatanda. 

Samantala, hindi naman inirerekomenda ng WHO ang AstraZeneca vaccines para sa mga menor de edad o iyong mga mas bata pa sa 18 taong gulang habang patuloy ang ginagawang pag-aaral ukol dito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.