BABAENG NAGPALAMAN NG MARIJUANA SA ENSAYMADA, WANTED

Ni Joan Alcantara
Photo: QCPD FB
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

LUNGSOD NG QUEZON Pinaghahanap ngayon ang babaeng live-in partner ng isang lalaking nasa kustodiya ng Talipapa Police Station (PS-3) nang tangkain diumano nitong magpuslit ng marijuana para sa kanyang nobyo.

Siniksik na parang palaman sa ensaymada ang sachet ng marijuana ng kinilalang si Mary Jane Laroza, 34, ng Brgy. Pasong Tamo at ka-live in ng nakadetina ngayong si Jonathan Alonzo, 42, ng Brgy. Tandang Sora dahil sa drug charges.

Binisita umano ni Laroza si Alonzo noong Setyembre 29 bandang 8:30 p.m. Dali-dali na lang itong umalis matapos mag-abot ng isang buong ensaymada kay Alonzo nang hindi na ito pinapasok dahil lagpas na ng oras ng dalaw. Nang inspeksyunin, sumambulat sa duty jailer ang sachet ng marijuana.

Naglunsad na ng manhunt ang PS-3 kay Laroza na haharap din sa drug charge.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.