Inaasahang mas maraming turista pa ang bibisita sa popular na hiking spot na Mt. Natib sa Orani, Bataan dahil sa pinagbubuti pang access road papunta sa lugar ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“As the country’s tourism is slowly easing to normal to aid national recovery, the Department of Public Works and Highways is also fast-tracking the concreting of the Mulawin-Tala Road going to Bataan National Park,” pahayag ni DPWH Secretary Mark A. Villar.
Target na makumpleto ang 3.3 kilometrong daan ng Abril ngayong taon.
Nagkakahalaga ng PhP96.5-milyon ang nasabing proyekto para sa turismo.
“Once completed, safer and more convenient travel awaits not only tourists going to this ecotourism zone but also for motorists and residents transporting their local products,” dagdag pa ng Kalihim.