Mas mapapadali na ang delivery ng mga produktong pansaka mula Brgy. Basalem Buug, Zamboanga Sibugay dahil sa bagong farm-to-market road (FMR) na isinaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at umabot sa PhP12-milyon.
Aabutin na lang ng 20 minuto ang byahe mula sa nasabing barangay dahil sa two-lane road na gawa sa 200mm kapal ng portland cement concrete, stone masonry, grouted riprap, at wide shoulder at gabions para sa slope protection.
Ang ngayo’y sementado ngunit dating baku-bako at maalikabok na daan ay ginawa ng DPWH sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture, para bawasan ang transportation costs ng mga produktong pansaka, pababain ang post-harvest loses, itaguyod ang ekonomiya, at paunlarin ang kalakalan at komersyo.