BAGONG PHYSICAL DISTANCING RULE SA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, APRUBADO NA NG PALASYO

Ni Monica N. Ladisla
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaasahang mas dadami na ang mga pasaherong makakasakay ng pampublikong sasakyan matapos aprubahan ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-seat apart rule para sa mga ito.

Sa ulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque, agarang ipatutupad ang bagong polisiyang ito matapos gumawa ng panuntunan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at opisyal itong mailathala sa Official Gazette.

Itinaas na rin sa 50 porsyento ang passenger capacity mula sa itinakdang 30 porsyento lamang. Bukod pa rito, papayagan na ring pumasada ang ilang provincial buses, shuttles, ride-hailing services, at motorcycle taxis upang mas maraming pasahero ang makasakay.

Mayroon ding rekomendasyon na maaaring magtabi ang mga pasahero subalit kinakailangang may plastic barrier sa pagitan ng mga ito o di kaya’y mayroong UV light na gagamitin para sa disinfection ng sasakyan.

Ayon kay Sec. Roque, ang mga rekomendasyong ito ay galing mismo sa economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte at unanimous umano ang desisyon ng grupo na luwagan ang restriksyon na siyang dahilan ng mabagal na economic recovery ng bansa matapos ang ilang buwang pagpapatupad ng community quarantine.

“It is based on science, it is based on studies… The lockdowns have been causing poverty and malnutrition on the part of our children”, mariing pahayag ni Sec. Roque.

Kaugnay nito, iginiit din ng tagapagsalita ng Palasyo sa LTFRB na istriktong ipatupad ang new physical distancing rule na ito matapos umano silang makatanggap ng mga ulat sa paglabag sa physical distancing.

“Bagama’t every other seat, it will still have to be enforced. Kinakailangan talaga ipakita ng LTFRB na bagama’t tinaasan natin ang ating transportation availability, importante pa rin na masunod ang mga health protocols dahil baka naman tayo ay magkasakit,” paglilinaw ni Sec. Roque.

Siniguro rin niya sa publiko na ligtas ang bagong physical distancing measure na ito kung patuloy na susundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.