Binaha ang ilang parte ng Plaridel at Sangley Airports sa Bulacan at Cavite dahil sa patuloy na pananalasa ni Bagyong Ulysses sa bansa ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Huwebes.
Sa ulat ng CAAP, nagtamo ang CAAP ng bahagyang pagbaha pinsala sa door panel nito. Nagkaroon din ng water leak sa tower building nito dulot ng storm surge gayundin ng power interruption bandang 4:00 ng umaga.
Samantala, binaha rin ang Runway 07 ng Sangley airport gayundin ang hangar, at general aviation area nito. Nakaranas din ito ng power outage bunsod ng pananalasa ni Bagyong Ulysses.
Nananatili pa rin umanong operational ang airports sa Virac, Naga, at Legazpi at ayon sa CAAP, hindi umano ito nagtamo ng matinding pinsala.
“CAAP airport managers are still tasked to be on high alert and to closely monitor their respective airports. Situation reports are also continuously monitored and consolidated by the CAAP Operations Center,” ulat ng CAAP.
Dagdag pa ng CAAP, “Airports have secured its powerplant and runway equipment, boarded their facilities, coordinated with the local DRMC offices, and has activated its procedures to mitigate the impact of the said typhoon.”