BAKUNA NG MGA SUNDALO AT PERSONNEL NA AYAW SA SINOVAC, HINDI SASAGUTIN NG AFP

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon na maaaring mamili ang mga miyembro at opisyal nito ng ibang brand ng COVID-19 vaccine bukod sa Sinovac ngunit hindi ito babayaran ng AFP. Binigyang-diin din nito na mandatory ang pagpapabakuna para sa lahat ng personnel nito.

“Thus, to get inoculated or not is not an option for the members of the AFP, it is a duty. At the most, the exercise of an option will be the option to as to what brand of vaccine they will be availing of, but the cost of which will not be paid by the AFP,” saad ni AFP spokesperson, Marine Maj. Gen. Edgard Arevalo sa isang online press briefing kahapon.

Nauna nang inanunsyo ng Palasyo ang pagdating ng unang batch ng bakuna mula sa Sinovac na mula sa China sa Linggo. Ang 100,000 doses mula sa unang 600,000 doses na darating ay ibibigay sa Department of National Defense (DND) na siyang punong ahensiya ng AFP. 

Bukod sa military personnel, ayon kay Arevalo, sinabi rin umano ni chief-of-staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana na dapat ding mabakunahan ang mga pamilya o dependents ng mga ito. 

Ang mga personnel na mas pipiliin ang ibang brand ng bakuna ay kailangan pa ring gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang frontliners kapag kinakailangan habang hindi pa sila natuturukan ng kanilang napiling bakuna. 

“They must perform their duties and task but they will have to resort to the traditional health protocol, mag-mask, mag-shield, maghugas ng kamay at mag-maintain ng social distance pansamantala habang hindi pa sila natuturukan ng vaccine na pinipili nila,” paliwanag ni Arevalo.

Bukod dito, ang mga personnel ng AFP na mataas ang exposure sa mga pasyente ng COVID-19 ay kailangang mabakunahan ng available na bakuna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.