Mariing kinondena ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang diumano’y bantang “shoot to kill” ng Quezon City (QC) Task Force Disiplina laban sa quarantine violators ng siyudad.
Siniguro ng DILG na hindi posisyon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang kontrobersyal na Facebook post ng lider ng QC Task Force na si Rannie Ludovica matapos makipag-ugnayan kay Mayora Joy Belmonte ng QC, bagama’t pinaalalahanan ng ahensya ang lahat ng pinuno ng mga lokal na departamento na maging maingat sa mga pino-post nila sa social media.
“While we strongly believe that discipline is one of the preventive measures to stop the transmission of the Coronavirus, this must be enforced within the bounds of the law and the DILG will not tolerate any possible abuse of authority on the part of law enforcement agencies or enforcement units of Local Government Units,” pahayag ni DILG Spokesperson Jonathan E. Malaya.