Bar exams ngayong taon, gagawing digital

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos maaprubahan ng Korte Suprema, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa ay gagawing digital ang gaganaping Bar exams na nakatakda sa apat na araw ng Linggo ng Nobyembre 2021.

Kaugnay ng desisyong ito ng Korte, ang Bar examinee ay papayagang gumamit ng kanilang Wi-Fi-enabled laptops upang sagutan ang kanilang mga pagsusuri sa halip na sila ay sumailalim sa tradisyunal na pamamaraan ng pagsagot. 

Gayunpaman, nilinaw ng Korte Suprema na hindi maaaring sagutan ang mga pagsusulit sa kahit saang lugar lamang. 

“Examinees will still walk into testing rooms and will be proctored while taking the exams. Surveillance cameras will also be installed in all testing rooms,” pahayag ng Supreme Court (SC). 

Ang mga examiner ay maaari lamang kumuha ng naturang mga pagsusulit sa itatalagang testing centers na pinakamalapit sa kanilang tirahan o eskwelahan kung saan sila nagtapos. 

Hindi rin pahihintulutan ang pagdadala ng desktops, tablets, smartphones, at iba pang gadgets. 

Ang laptop na dadalhin ng sasailalim sa mga pagsusulit ay nararapat na walang lamang mga datos na may kinalaman sa Bar exams, bagama’t hindi pahihintulutan ng software na gagamitin sa mga pagsusulit ang pag-exit sa program na para rito at pag-access sa iba pang computer programs habang sinasagutan ang mga pagsusulit. 

Papayagan ang examinees na magdownload ng nasabing computer software para mabigyan sila ng pagkakataong maaral ito bago pa man ang mismong mga araw ng pagsusulit. 

Upang makasigurong walang pandarayang magaganap, titingnan ng SC personnel ang computer hardware ng laptops na gagamitin ng Bar examinees. Papipirmahin din ng honor code ang mga kukuha ng naturang mga pagsusulit. 

Dahil sa nabanggit na mga pagbabago, magiging digital na rin ang pagbibigay ng grado para sa examinees. 

“This makes it possible to recruit some subject matter experts from outside Metro Manila for the first time, making the assessment of the Bar Examinations even more inclusive,” saad ng Korte Suprema. 

Ayon pa sa Korte Suprema, susundin din ang mga hygiene protocol habang isinasagawa ang nasabing mga pagsusulit.

Samantala, papayagan pa rin ang tradisyunal na pamamaraan ng pagsagot sa mga pagsusulit para sa mga indibidwal na may kapansanan. 

Sa kasalukuyan ay inaalam na ng SC ang mga posibleng magiging local testing site para sa nasabing exams. Inaasahang ilalabas nito ang listahan ng testing sites sa susunod na linggo. 

Sa darating na Mayo naman ay maglalabas ang Korte Suprema ng mga panuntunan para sa nakatakdang Bar exams. 

Noong nakaraang buwan ay nagsimula nang maghanda para sa naturang “digitalized” at “localized” na pagsusuri ang SC. Nagsagawa ito ng pilot mock bar examination noong Enero 31 sa Saint Louis University Law School, Ateneo de Manila University School of Law, at sa UP College of Law.

Noong nakaraang taon ay napagpasyahan ng Korte na ipagpaliban muna ang Bar examinations bunsod ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19, kung kaya’t parehong 2020 at 2021 Bar takers ang sasailalim sa mga pagsusulit ngayong taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.