Patuloy pa rin ang Step 1 Registration para sa PhilSys nationwide, matapos simulan ang Step 2 nitong Enero sa mga piling lugar upang masiguro ang kaligtasan ng registrants at registration staff.
Sa ilalim ng Step 1 Registration, magbabahay-bahay ang Philippine Statistics Authority (PSA) enumerators upang kunin ang demographic information ng registrants at mag-set ng appointment para sa Step 2 Registration.
Sa Step 2 Registration, pupunta ang registrants sa local registration centers upang ma-validate ang kanilang demographic information at ma-capture ang kanilang biometric information tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photo.
Para sa huling hakbang, ang Step 3 Registration, dito nakatakda ang pag-isyu ng PhilSys Number o PSN at ng pisikal na ID sa registrants.
Samantala, hinihikayat naman ang lahat na MAGHANDA sa Online Step 1 Registration na target buksan sa publiko ngayong taon.
Paalala, ang pagpaparehistro sa PhilSys o pagkuha ng PhilID ay WALANG BAYAD.
Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, bisitahin lamang ang kanilang Facebook page na PSA PhilSys Official at psa.gov.ph/philsys. Maaari ring mag-email sa info@philsys.gov.ph o tawagan ang official PhilSys hotline na 1388 (may karampatang bayad).