Bayanihan 2 malaking tulong sa COVID-19 response ng bansa

Ni Monica Ladisla

Matapos maipasa ng Kongreso kahapon ang Bayanihan to Recover as One Act, inaasahang pipirmahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon upang agarang maisabatas sa Setyembre.

Sa batas na ito, pagkakalooban ang gobyerno ng dagdag na P165.5 bilyon upang maisalba ang ekonomiya mula sa recession sa gitna ng pandemya.

“The swift action of Congress is a testament to the whole-of-nation approach needed to fight COVID-19. The Bayanihan to Recover As One Act will greatly benefit the nation, especially sectors severely affected by this health crisis,” pasasalamat ni National Task Force (NTF) Chairman Delfin Lorenzana sa suporta ng mga mambabatas.

Ayon naman kay NTF Chief Implementer Carlito Galvez, Jr., malaki ang papel na gagampanan ng Bayanihan 2 upang mas lalo pang paigtingin ang implementasyon ng ikalawang yugto ng National Action Plan ng gobyerno na nakatuon umano sa pagbalanse ng kalusugan at kaligtasan ng publiko kasabay ang pagbuhay sa ekonomiya.

Naglaan ang Kongreso ng P13.5 bilyon para sa health-related responses. Kasama na rito ang P10,000 special risk allowance para sa bawat isang frontliner sa public at private na sektor. Tatlong bilyon naman ang inilaan para sa pagbili ng face masks, face shields, at iba pang personal protective equipment habang P4.5 bilyon naman ang mapupunta sa pagpapatayo ng temporary medical isolation at quarantine facilities.

Parte rin ng halagang ito ang P10 bilyon na gagamitin ng gobyerno para sa COVID testing at pambili ng medisina at bakuna.

“Congress’ approval of the Bayanihan to Recover As One Act will help us further ramp up our testing capacity nationwide. The first Bayanihan law allowed us to strengthen our testing efforts, with the Philippines now at the top in conducting the most number of COVID-19 tests compared to our Southeast Asian neighbors,” ani NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon. 

Tiwala naman ang Palasyo na magagamit ang pondo ng Bayanihan 2 sa tamang paraan at malaki umano ang maitutulong nito sa ating ekonomiya.

“We assure our countrymen that each centavo will be used properly. It will reach the people who are seriously affected by the COVID-19 and the sectors hit by the pandemic,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bukod sa pagpapaigting ng health response ng gobyerno, nakapaloob din sa batas ang ilang probisyon para pondohan ang digital education at infrastructure, tulong para sa mga lokal na pamahalaan, allowance para sa mga national athletes at coaches gayundin ang repatriation ng Overseas Filipino Workers.

May inilaan ding pondo sa cash aid para sa mahihirap at soft loans para sa mga micro, small, at medium enterprises na higit na naapektuhan ng kasalukuyang krisis.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.