BEEP CARD SA EDSA BUSWAY, IPAGPAPALIBAN MUNA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hindi na muna itutuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sana’y unang araw ng pagpapatupad nito ng mandatory na paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway ngayong Lunes, Oktubre 5.

Ito ay matapos tumanggi ang AF Payments Inc., ang service provider ng automatic fare collection system (AFCS), na alisin ang bayad sa mga Beep card.

“We are saddened by the refusal of AF Payments, Inc., the provider of the automatic fare collection system at the EDSA Busway, to waive the cost of the beep card despite consistent pleas made by the government. This would have made a big difference to the commuters, mostly daily wage earners who are the most affected by the COVID-19 pandemic,” paglalahad ng LTFRB sa isang pahayag nito nitong Linggo, Oktubre 4.

Ang Beep cards na inaalok sa bus stations ay nagkakahalaga ng P180. Nasa P80 ang babayaran para sa card at P100 naman para sa load. Bukod pa rito, may singil na P5 na convenience fee kapag mag-rereload sa third party service providers. Mayroon ding P65 na maintaining balance ang nasabing card.

Dahil dito, sinabi ng LTFRB na ipapatupad na muna ng kanilang ahensya ang dual payment system kung saan maaari pa ring gamitin ng mga pasahero ang kanilang nabili nang Beep card o kaya naman ay magbayad ng cash kung sila ay wala pang card. 

Ang nasabing cash payments ay kokolektahin ng empleyado ng EDSA Bus Consortia sa mga istasyon. Ang mga maniningil ay magsusuot ng face shields, face masks, at gloves para maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Samantala, maghahanap pa ang EDSA Bus Consortia ng panibagong service provider na makapagbibigay-solusyon sa naturang problema.

Nakatakda namang magpulong ang iba pang AFCS providers sa Oktubre 6 upang pag-usapan ang isyu.

Matatandaang umapela ang Department of Transporation sa AF Payments Inc. na ipamigay nang libre ang Beep Cards sa mga pasaherong hindi pa gumagamit nito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.