Nasa kustodiya ngayon ng Tabuk Community Police Station ang isang computer shop owner dahil sa sumabog na granada na sumugat sa isang empleyado nito sa Kalinga noong Linggo, Disyembre 27.
Iniimbestigahan na si Rey Domallig y Sugar, 39, may-ari ng HED Computer Repair Shop sa Purok 6 Bulanao, Tabuk City dahil sa paglalagay nito ng booby trap sa likurang pintuan ng computer shop gamit ang Mk2 grenade para iwas diumano sa mga magnanakaw.
Nasa maayos na kalagayan naman na ang empleyado nitong si Allen Chaclag, 39, na magtatrabaho sana ng 7:45 a.m. noong Linggo ngunit natapilok at nasabugan ng ginawang patibong ng kanyang amo.