Sarado simula 8 a.m. ng umaga ng Marso 21 ang Camp Aguinaldo dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 infection, ayon sa AFP.
Ito ang naging pre-emptive measure ni AFP Chief General Cirilito Sobejana dahil sa nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng virus.
Kinumpirma ang lockdown ni Marine Major General Edgard Arevalo, AFP Spokesperson, na nangakong magbibigay pa ng karagdagang detalye.