20 INDIBIDWAL, NAKARANAS NG NON-SEVERE REACTION MULA SA MAHIGIT 700 NA NABAKUNAHAN SA UNANG ARAW NG COVID-19 VACCINE MASS ROLLOUT—DOH

NATIONAL

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa 756 na indibidwal ang nakatanggap kahapon ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa unang araw ng national vaccination program rollout ayon sa Department of Health (DOH).

Karamihan sa mga ito ay healthcare workers.

Sa briefing ng Laging Handa ng Marso 2, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa kabuuang bilang na ito, nasa 20 indibidwal ang nakaranas ng hindi malalang reaksyon na agad ding naagapan kung kaya’t nakauwi rin sila kahapon.

“Among the 20 individuals, they had minor and common symptoms after injection. There are those who experienced pain in their arm after the injection, there was one who experienced itchiness or rashes. There was another who experienced a headache after. One experienced nausea. And the others experienced hypertension,” paliwanag ni Usec. Vergeire.

Upang siguruhin na ang mga nakaramdam ng ganitong reaksyon mula sa bakuna ay agad na mabibigyan ng atensyong medikal, ang mga ospital at institusyon umanong nagbibigay ng bakuna ay may sinusunod na proseso kabilang na ang monitoring 30 minuto matapos mabakunahan at pagkatapos ng 1 taon.

“Babantayan po natin silang lahat, hindi lang po post-vaccination, but we will also monitor them for one year kasi alam po natin that these vaccines are still under development,” saad ng DOH Spokesperson.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng matinding reaksyon sa bakuna, pinayuhan niya ang publiko na kumain ng agahan at magpahinga ng sapat bago magpabakuna. 

“We understand the public that they get anxious or they have this fear of side effects before inoculation. That’s why we tell them to get ready before getting vaccinated,” dagdag ng Undersecretary.

DOH LAYONG MAIPAMAHAGI ANG SINOVAC VACCINES SA LOOB NG 2-3 LINGGO

NATIONAL

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Basically in two to three weeks, we will be able to utilize this (the vaccines) because we already had a plan of rolling it out, hospitals had been advised already, and they are prepared, and we start the rollout today.”

Ito ang ipinahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire hinggil sa plano ng pamahalaan na tapusin sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo ang pamamahagi ng unang batch ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa. 

“We are looking at two weeks for us to be able to roll it out properly, and then, we will have the next two weeks to monitor if there would still be a quick substitution list that will be used,” saad ng tagapagsalita ng Kagawaran. 

Nitong Linggo, Pebrero 28, dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na ibinahagi ng gobyerno ng China sa Pilipinas. Nito lamang Lunes, Marso 1, opisyal na ring sinimulan ang pamamahagi nito sa medical frontliners at ilang mga opisyal ng pamahalaan. 

Bagama’t umarangkada na ang pagtuturok ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19, pinaalalahanan ni DOH Secretary Francisco Duque III ang publiko na huwag pakasiguro at patuloy pa ring isagawa ang minimum public health standards upang makaiwas sa virus.  

“Hindi tayo maging pwedeng pabaya. Wala pang datos na nakakapagpakita na the vaccines can actually serve as a barrier to transmission. There is not enough data to support that theory. Ang kanilang magandang epekto is they will prevent you or reduce symptomatic cases and asymptomatic cases as well — to prevent progression to severe disease and therefore prevent hospitalization and prevent death,” paliwanag ng Kalihim.

1M DOSE NG SINOVAC VACCINE, PARATING SA BANSA NGAYONG MARSO

NATIONAL

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos ang opisyal na simula ng vaccination program ng bansa, ibinahagi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na kukuha muli ang bansa ng isang milyong bakuna mula sa Sinovac na nagkakahalaga ng 700 milyong piso.

“Kaya po tayo, mayroon tayong procurement this coming March, mayroon po tayong one million from Sinovac,” ani Galvez.

Dagdag pa niya, “So, once na napirmahan na po namin iyon, dadating po ang one million doses this coming March po, in tranches po. Nakita po natin iyong 500,000 [doses] ay [isasakay sa] isang malaking eroplano po iyon, so in two tranches po iyon.”

Aniya, dahil sa global shortage sa ibang brand kung kaya’t Sinovac at Sputnik V lamang ang pagpipilian sa ngayon.

Kinumpirma rin ni Sinovac Biotech General Manager Helen Yang na pinag-uusapan na sa ngayon ang shipment ng bakuna sa Pilipinas.

“We are discussing with the Philippine government to arrange another one million doses in March. We’re working on that,” pahayag ni Yang.

Ayon pa kay Yang, “I see that the Philippines government is a very tough negotiator that we took some time to develop the plans, strategies. We’re working on that.”

Kamakailan, iniulat ng Palasyo na mayroon nang nakalaan na 25 milyong doses ng Sinovac vaccine ang bansa at paunti-unti umano itong ipapadala sa bansa simula ngayong Marso hanggang Disyembre.

P1.7-M SHABU NASABAT SA ZAMBO DRUG SUSPEK

NATIONAL

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakuha sa isang drug suspect ang PhP1.7-milyong tinatayang halaga ng shabu sa isang police operation sa Zamboanga City noong Pebrero 28.

Nakumpiska mula sa suspek na si Almutlah Maharan alias “Mutla”, 39, residente ng Brgy. Mariki, Zamboanga City, ng Special Drugs Enforcement Team-Zamboanga City PS-11 ang limang malalaking sachets ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 250 gramo.

“Our focus is to further intensify the campaign against illegal drugs and to enhance the effectiveness of anti-drug operations in breaking the backbone of the illegal drug trade, particularly high value targets and wholesalers,” pahayag ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.

Nasa kustodiya na ang suspek ng Zamboanga CPS para masampahan ng kaso.

SEX PREDATOR, TIMBOG DAHIL SA SEXUAL BLACKMAIL

NATIONAL

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Huli ang isang lalaki dahil sa pagkakalat diumano ng hubad na litrato ng kanyang biktima sa social media dahil sa pagtanggi ng huling makipagtalik sa kanya.

Arestado si Robert Villegas Debulosan, 23, ng Canbantug Argao, Cebu sa entrapment operation ng Argao at Talisay police stations nitong Pebrero 28 bandang 10:30 p.m. sa Poblacion.

Inilunsad ng mga operatiba ang operasyon dala ng sumbong ng 19 na taon na babae mula Talisay City matapos ikalat diumano ng suspek ang hubad na larawan ng biktima sa Facebook Messenger nang tumanggi ang huling makipagtalik sa kanya.

Nakuha mula sa suspek ang isang cellphone at tatlong sachets ng pinaghihinalaang shabu.

Sinabi ng mga imbestigador na may 17 Facebook poser accounts si Debulosan na ginagamit diumano nito para manligaw at kinalaunan ay humingi ng mga hubad na larawan para gamitin sa blackmail.

“It’s a good thing that our police operatives were able to put a stop to this abuse committed against women by the suspect. We encourage other victims to come out and file their complaints against this sexual predator whose arrest delivers a clear victory for abused women coming at a most opportune time during the observance of Women’s Month,” pahayag ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.

Nagbigay babala rin ang PNP Chief sa mga social media user na mag-ingat sa pagbabahagi ng mga litrato at personal na impormasyon.   

Haharap si Debulosan sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

VACCINE CZAR GALVEZ PUPUNTA NG INDIA PARA SA SUPPLY AGREEMENT NG COVID-19 VACCINE

NATIONAL

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ang pagpunta niya sa bansang India ngayong Marso upang ayusin ang kasunduan sa ilang vaccine manufacturers doon.

“Ang susunod po iyong Novavax, pagpunta po namin sa India this coming [March] 9 to 12, pipirma din po kami ng aming supply agreement,” pahayag ni Galvez.

Ayon sa kanya, importante ang lakad na ito dahil sa mga kailangang pirmahang supply agreement, gayundin sa gagawing negosasyon sa Novavax at AstraZeneca upang mapaaga ang pagdating ng mga bakuna nito sa bansa.

Bukod pa rito, inaasahang maaayos na rin ang supply agreements ng bansa sa Moderna at Johnson & Johnson sa mga darating na araw. Layon din umano ng gobyerno na kumuha ng 20 milyong doses mula sa Moderna at limang milyong doses mula sa Johnson & Johnson.

Inamin din ni Galvez na importanteng magkaroon ng vaccine stockpile ang bansa bago isagawa ang pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine sa bansa gayundin ang face-to-face classes sa Mayo.

Ngayong Lunes sana inaasahang darating ang mahigit 500,000 doses ng bakunang gawa ng AstraZeneca mula sa COVAX facility subalit naantala ito dahil umano sa kakulangan ng suplay.

VACCINE CZAR: MALAWAKANG PAGBABAKUNA SA PUBLIKO MAAARING MAGSIMULA NA SA MAYO

NATIONAL

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., posibleng magsimula na sa darating na Mayo ang malawakang pagbabakuna sa publiko kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

“Nakikita natin sa 2nd quarter po natin makukuha ‘yon once na dumating na po ‘yong ibang ano po ng COVAX (facility),” pahayag ng opisyal.

Ani Galvez, sa puntong iyon ay inaasahang makatatanggap ang bansa ng nasa 5.2 hanggang 9.5 milyong doses ng Pfizer at AstraZeneca vaccines mula sa nasabing pasilidad. Sa 2nd quarter ng taon ding inaasahan ang pagdating ng paunang suplay ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac at Novavax, gayundin ng 2.6 milyong doses ng bakuna na binili ng pribadong sektor mula sa kumpanyang AstraZeneca. 

Nitong Lunes, Marso 1, pormal nang sinimulan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa bansa. Ilang health workers at piling opisyal ng gobyerno ang mga unang nakatanggap ng Sinovac vaccine sa anim na pampublikong ospital sa Metro Manila na kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center and Sanitarium (Tala), Veterans Memorial Medical Center, Philippine National Police General Hospital, at Victoriano Luna Medical Center. 

Ayon pa sa vaccine czar, mayroong kakulangan sa pandaigdigang suplay ng bakuna laban sa virus. Gayunpaman, ginagawa na aniya ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapaaga ang paghahatid ng suplay ng mga bakuna sa bansa. Nakikipagnegosasyon na rin aniya ang pamahalaan hinggil sa posibilidad ng pagbabayad ng mas mahal para mas mapabilis ang pagdating ng mga nabiling doses ng bakuna. 

Layon ng bansa na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino sa katapusan ng taon.

DOH: ‘PAMAHALAAN HANDANG-HANDA NA SA PAG-ARANGKADA NG COVID-19 VACCINATION SA BANSA’

NATIONAL

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, handang-handa na ang pamahalaan sa pagsisimula ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination program nito ngayong araw ng Lunes, Marso 1, 2021.

Nasa 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Sinovac Biotech ng China ang dumating na sa bansa noong Linggo, Pebrero 28.

Mula sa Villamor Airbase, unang dinala ang mga suplay ng bakuna sa storage facility nito sa Marikina City. Pagkatapos ay inihatid naman ang mga ito sa pitong mga ospital sa Metro Manila na bibigyang-prayoridad sa pagbabakuna. 

Ang naturang mga ospital ay kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital), Philippine National Police General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center. 

“Sa ngayon wala tayong nakikitang [problema], we are very much prepared. Kagabi hanggang madaling-araw, tayo po ay nagdala ng mga bakuna sa mga iba’t ibang ospital na ito para ma-secure na po nila roon sa loob ng kanilang ospital,” pahayag ni Vergeire, na tagapagsalita rin ng DOH. 

Inaasahang magsisimula na rin ngayong linggo ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga probinsya, partikular na sa Cebu at Davao. 

Ani Vergeire, nakatutok sa Metro Manila ang pag-arangkada ng COVID-19 vaccination program sa Pilipinas dahil ito ang itinuturing na epicenter o sentro ng pandemya sa bansa. 

“Pagkatapos po, ‘pag dumating na ‘yong mga ibang supply natin pupunta na tayo sa ibang rehiyon,” paliwanag ni Usec. Vergeire. 

Sa nabanggit na doses ng kauna-unahang batch ng bakuna na dumating sa bansa, 500,000 sa mga ito ang nakalaan para sa medical frontliners at 100,000 naman ang para sa mga sundalo.

BAKUNANG GAWA NG SINOVAC, LUMAPAG NA SA BANSA

NATIONAL

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Dumating na sa bansa nitong Linggo ng hapon ang unang batch ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa bansang China.

Lumapag ang Chinese military plane na nagdala ng mga bakuna sa Villamor airbase ng 4:00 p.m. at si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang namuno sa mga opisyal na naroroon upang tanggapin at pasalamatan ang donasyong ito mula sa bansang China.

Mula sa Villamor Air Base, dinala ng anim na 40-foot trucks ang mga bakuna sa dalawang cold chain storage facility na matatagpuan sa Philippine General Hospital sa Maynila at sa Metropac Logistics sa Marikina.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ang pagdating ng bakuna sa bansa ang nagsilbing hudyat ng simula ng vaccination program ng gobyerno.

“As we wrap up our preparations for the vaccine rollout, we call on our countrymen to take part in this massive and historic immunization program. As our President has said, no one is safe until everyone is safe,” ani Galvez.

Kaugnay nito, pangungunahan din ni Galvez ang isasagawang pagbabakuna sa Philippine General Hospital ngayong umaga gamit ang Sinovac vaccine.

Inaasahang dadalo rin sina Presidential Spokesperson Harry Roque, Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, at Manila City Mayor Francisco Domagoso.

Bukod pa rito, isasagawa rin ang pagbabakuna sa Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center and Sanitarium, Veterans Memorial Medical Center, Philippine National General Hospital, at sa V. Luna Medical Center.

KABUUANG P30-M HALAGA NG PEKENG SIGARILYO, NALAMBAT NG PNP SA 2 WAREHOUSES SA BATAAN

NATIONAL

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa PhP30-milyong halaga ng makina at raw materials na gamit sa paggawa ng sigarilyo at mga pekeng Winston, Marvels, Shuang XI, Seven Stars, Jackpot, at D & B ang nakumpiska ng  Bataan PPO 2nd PMFC at Orion MPS, kasama ang Bureau of Customs at Japanese Tobacco, Inc., noong Pebrero 26 sa dalawang rice mills sa Orion, Bataan.

Nakumpiska ang makina at raw materials na gamit sa paggawa ng sigarilyo sa Crisostomo Rice Mill Warehouse sa Camino Rd. Brgy. Sto. Domingo bandang 3:30 p.m. sa bisa ng letter of authority (power to inspect and visit for violations of Chapter 3 Sec. 224 ng CMTA) na tinatayang nasa PhP20-milyon.

Nakuha naman sa isang follow-up operation sa Rice Mill Warehouse sa Brgy. Balagtas na pagmamay-ari diumano ng isang Eric Sioson ng Balanga City at nirerentahan ng isang Tony Lim mula Malate, Manila ang mga pekeng Winston, Marvels, Shuang XI, Seven Stars, Jackpot, at D & B na nasa PhP10-milyon.

Nauna nang nakumpiska ng Limay MPS ang ilang bulto ng pekeng sigarilyo sa isang checkpoint noong Pebrero 24 na nagresulta sa dalawang raids sa Orion.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.