Cebu City, mas hinigpitan ang travel restrictions kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA (photo courtesy of Cebu City Hall PIO)
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Noong Lunes, Nobyembre 16, ay pinirmahan ni Cebu City Mayor Edgardo Labell ang Executive Order (EO) 105 upang higpitan ang inbound travel sa lungsod matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Isinasaad sa EO na kailangang magpakita ng Authority to Enter (ATE) ang lahat ng taong bibiyahe papasok sa lungsod mula sa ibang lugar at probinsya. Ang ATE ay makukuha lamang pagkatapos maisumite ng mga indibidwal ang ilang kailangang dokumento sa government portal ng lungsod.

Matapos magdulot ito ng hindi pagkakaintindihan sa social media, inilabas kahapon ni Labell ang EO 105-A upang klaruhin na ang EO 105 ay para lamang sa mga taong manggagaling sa ibang probinsya sa labas ng probinsya ng Cebu na magmumula sa mga airport at seaport.

Ang mga residente sa probinsya ng Cebu na papasok at lalabas sa lungsod ay hindi kasama rito, gayundin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi sa lugar.

“The city government will continue to require only a valid ID and certificate of employment from those who work in Cebu City but live in other areas of Cebu,” paliwanag ni Labella.

Sa kasalukuyan, tatanggapin pa rin ng lungsod ang travel pass ng mga taong darating sa lalawigan mula sa ibang lugar bago tuluyang maging epektibo ang ordinansa sa Biyernes, Nobyembre 20. 

Kasabay nito ay ibinalik na rin ng pamahalaang lungsod ng Cebu ang mahigpit na border control sa lungsod.

Umapela naman si Mayor Labella sa mga Cebuano para sa pag-intindi at kooperasyon upang maagapan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Ang lungsod ng Cebu ay kasalukuyang nasa ilalim ng MGCQ hanggang Nobyembre 30.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.