Central Command System para sa COVID-19 response, inilunsad

Ni Benjie Dorango

Kahit si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakatanggap din ng tawag mula sa isang pasyente ng COVID-19 na walang mapuntahang ospital para magpagamot. Sa maagap na aksyon at koordinasyon ng Task Force, nakahanap din agad ang mga kawani ng ospital para pasyente.

Kaugnay ng pangyayaring ito, naisip ng Kalihim na posibleng dahil sa kakulangan ng sistematikong koordinasyon kung bakit pahirapan ang paghahanap ng ospital, kahit pa base sa datos ng Department of Health. Marami pang pagamutan ang kayang tumanggap ng mga bagong pasyente.

Para kay Sec. Lorenzana, tamang-tama ang pagkakaroon ng Central Command Center para sa COVID-19 response. Ito ang ONE HOSPITAL COMMAND CENTER (OHCC) na inilunsad ngayong umaga.

“Ang lugar na ito ay accessible 24 hours a day, para kahit anong oras ng araw, meron silang matawagan at matugunan ang kanilang pangangailangan,” ani Lorenzana.

Trabaho ng OHCC na i-coordinate ang pampubiko at pribadong ospital, treatment, at isolation facilities na pwedeng magamit para sa triage at referral system.

Magsisilbi rin itong call center para sa lahat ng mga naghahanap ng pagpapagamutang ospital. Sistematiko ang pagkuha at pagbibigay ng impormasyon.

Una, tatanggapin ang report sa pamamagitan ng hotline, cellphone app, o QR codes. Mayroong mga personnel na naka-standby para tumanggap ng tawag.

Kapag nakuha na ang lahat ng impormasyon sa pasyente, agad itong ipapasok sa computer aided dispatch system. Kukunin naman ito ng health care coordinators ng OHCC bilang bagong kaso. 

Sa pamamagitan naman ng updated dashboard ng OHCC, malalaman ang mga ospital na may kakayahan pang tumanggap ng pasyente, may available pang kama at equipment. At kung kinakailangan ng agarang responde para sa tumawag na pasyente, ang health care coordinators ng OHCC na rin ang hahanap ng resources.

Ang sistemang ito ay bahagi ng second phase ng National Action Plan Against COVID-19 para mapababa ang mortality rate ng COVID at non-COVID patients na ayon kay Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, nakabase  rito ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

“‘Yon po ang sinasabi ni Secretary Francisco Duque, na kailangang pababain natin ang ating fatality rate to the minimum level so that we can open up our economy. Without doing that, we cannot open up and recover our economy,” pahayag ni Galvez.

Pero may pakiusap sa mga ospital si Sec. Duque. Agad mailipat sa isang isolation facility ang mga mild at asymptomatic patients. Aniya, wala naman problema sa mga pampublikong ospital, pero malaking hamon ito sa mga pribadong ospital. 

“Ang term po ng mga private hospitals, e, mahirap talikuran ang mga ‘yan komo may mga kaya ang demanding,” sabi pa ni Duque.

May naisip naman solusyon ang Health Secretary ukol dito. Hanapan sila ng hotel na gagawing step-down facility para dito na ituloy ang kanilang gamutan at para maibigay naman sa iba ang kamang babakantihin nila sa pinanggalingang ospital.

Dagdag pa ni Duque, “Gusto po nating maiwasan, they’re overwhelming of our hospitals. And the less or the shorter period that they’re staying in the hospitals, (the mild and the asymptomatic), I believe is better.”

Pero aminado ang Kalihim, nasa mga private hospitals na ang bola kung paano makakapag-adopt sa bagong sistema.

Bagamat limitado ang attendance, kasama sa maikling programa kanina sa Orense sina MMDA Chairman Danilo Lim. Sumaksi rin sina Sec Vince Dizon, IATF Deputy Chief Implementer at DPWH Usec. Emil Sadain.

Narito ang mga hotlines na itinatalaga ng ONE HOSPITAL COMMAND CENTER:

Cellphone numbers: 09199773333 / 09157777777

Landline: 02 88650500

Maari rin itong ma-access sa pamamagitan ng pag-install ng Pureforce App.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.