CENTRAL VISAYAS MEDICAL WORKERS, AAGAPAY SA LABAN NG NCR HEALTH WORKERS KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Higit 100 na healthcare workers mula sa Visayas ang nakatakdang ipadala sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa  Metro Manila.

Nakahandang tumulong ang mga ito sa health workers ng mga ospital at iba pang medical facilities sa NCR na kasalukuyang humaharap sa mga pagsubok, tulad ng pagdagsa ng mga pasyente bunsod ng pagdami ng kaso ng mga nahahawa sa virus.

Ang hakbang na ito ay sinimulan matapos humingi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go, na siya ring Chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, kay Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) hinggil sa naturang hamon na kinakaharap ng healthcare workers sa NCR.

“(Secretary) Dino said yesterday that it will take four to five days to prepare the deployment, but they are already expediting the process in coordination with the Department of Health (DOH) and other concerned agencies,” saad ng Senador.

Ayon sa OPAV Secretary, ang lugar na tutuluyan, pagkain, at transportasyon ng medical frontliners na magmumula sa Central Visayas ay sasagutin ng mga ospital kung saan sila pansamantalang madedestino.

Ang OPAV o ang DOH Region 7 naman ang mamamahala sa pansamantalang paglilipat ng nasabing healthcare workers mula sa Visayas papuntang NCR.

Dagdag pa ni Secretary Dino, tiniyak na aniya ng DOH na madadagdagan ng 20 porsyentong premium ang basic salary ng medical workers na sasailalim sa emergency hiring base sa pondong magmumula sa Bayanihan 2 o “Bayanihan to Recover as One Act”, na isinabatas upang matulungang makabangong muli ang ekonomiya ng bansa mula sa dagok na dulot ng pandemya.

Bukod sa pagdaragdag ng bilang ng healthcare workers sa NCR, layon din ng nasabing hakbang na makapaghatid ng mga donasyong medikal mula sa Visayas papuntang Metro Manila, tulad ng high flow nasal cannulas, at mga gamot na makatutulong upang maibsan ang hirap ng mga pasyente ng COVID-19, gaya na lamang ng Tocilizumab at Remdesivir.

Pinuri naman ni Senator Bong Go ang kahandaan ng healthcare workers sa Visayas na tumulong sa medical frontliners sa NCR. Ayon pa sa Senador, mas mabilis na malalampasan ng bansa ang hamon ng pandemya dahil aniya sa “strong showing of bayanihan spirit among Filipinos.”

Maliban sa OPAV, DOH Region 7, at mga lokal na pamahalaan sa Visayas, hiningi rin ng pinuno ng Senate Committee on Health ang tulong ng mga miyembrong hospital sa ilalim ng Malasakit Center at Project Balik Buhay upang maisakatuparan ang naturang inisyatiba.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.