‘CHILD CAR SEAT LAW’ PORMAL NANG IPATUTUPAD

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Simula Martes, Pebrero 2, 2021, ang mga batang edad 12 taon pababa ay hindi na maaaring umupo sa harapan ng mga pampribadong sasakyan, bagkus, sila ay kinakailangang pumuwesto sa isang child restraint system (CRS) o car seat na nakalaan mismo para sa kanilang kaligtasan. 

Ito ay alinsunod sa Republic Act 11229  o Child Safety in Motor Vehicles Act, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero ng nakaraang taon, kung saan nakasaad na ang mga batang nasa nabanggit na edad ay papayagan lamang na umupo sa front seat ng isang pampribadong sasakyan kung maaabot nila ang 4’11 na height requirement, bukod pa sa paggamit nila ng regular seat belt. 

“Child restraints in cars are intended to keep a child firmly secured in their seats so that in case of sudden braking or collision, the child would not be fatally thrown away against the car interior or ejected from the vehicle,” paliwanag ni Robert Valera, deputy director ng Law Enforcement Service ng Land Transportation Office. 

Gayunpaman, nilinaw ni Valera na bagama’t pormal nang ipatutupad ang naturang batas ngayong linggo, hindi muna magpapataw ng kaparusahan ang ahensya sa sinumang lalabag dito sa loob ng tatlong buwan dahil mas bibigyan-diin aniya ng kaniyang tanggapan ang pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko ukol sa batas. 

“The enforcement is not only about apprehension. It also covers information dissemination as well as warning. Instead of issuing initially a TOP [temporary operator’s permit] or a show cause order, we will be on the warning mode as well as information dissemination,” pahayag ng direktor. 

Nakasaad sa nasabing batas na ang mga nagmamanehong mahuhuling hindi sumusunod dito ay pagmumultahin ng P1,000 sa kanilang unang paglabag, P2,000 naman kung mauulit muli ang hindi pagtalima rito, at P3,000 naman na may kasamang isang taong suspensyon ng kanilang lisensya sa pangatlo o mga susunod pang paglabag. 

Hindi naman kasama sa papatawan ng parusa ang mga kaso kung saan maaaring mapunta sa kapahamakan ang bata, katulad na lamang ng medical emergencies, o kung ang batang sakay ay may kondisyong medikal, o iba pang katulad na mga pangyayari. 

Ang mga manufacturer, distributor, importer, retailer, o mga nagbebenta ng sasakyan na hindi susunod sa safety standards at nakasaad na mga panuntunan ayon sa naturang batas ay pagmumultahin ng mula P500,000 hanggang P100,000 sa bawat CRS na produkto na kanilang naibenta.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.