‘CHRISTMAS CAROLING, IWASAN MUNA’ – DOH

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“May lumabas po na isang study over this past week, nakalagay po doon na ‘yon pong pagkanta nang malalakas, it is the topmost activity that can yield ng mas madaming virus.” 

Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa paalala ng kaniyang Kagawaran na kung maaari ay iwasan muna ang pangangaroling ngayong Kapaskuhan, lalo pa’t ang pagkanta nang malakas ay nagdudulot ng malaking tsansa ng pagkahawa mula sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kamakailan lamang, naglabas ang DOH ng mga panuntunan tungkol sa pagdiriwang ng Kapaskuhan kung saan hinikayat ng Kagawaran ang publiko na limitahan ang pagsasagawa ng face-to-face na mga aktibidad.

Makikipagpulong pa ang Kagawaran sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases bago ito maglabas ng desisyon kung tuluyan nga bang papayagan o ipagbabawal ang pangangaroling ngayong may pandemyang kinakaharap ang bansa.

“That being said, ‘wag na muna sana ang ganitong activities so that we can prevent further increasing the transmission of infection,” pakiusap ni Usec Vergeire.

Hinimok rin niya ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at malimit na paghuhugas ng kamay kahit na kasama pa ang pamilya o mga kamag-anak.

Suportado naman ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield ang panukalang ito ng DOH.

“Caroling has always been [a] part of the Filipino tradition. I believe each and every one of us has his or her funny and meaningful stories of caroling, especially when we were children. This is what makes the Christmas of every Filipino [a] memorable and exciting one. But the situation is currently different. We are facing a serious threat of Coronavirus disease and we in the JTF COVID Shield believe that it is in the health interest of everybody if we could just stay home and enjoy the Yuletide season with our family,” paliwanag ni JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar.

Sakaling maaprubahan ang caroling ban, hinihikayat din ni PLt. Gen. Eleazar ang mga magulang na ipaliwanag nang mabuti sa kanilang mga anak kung bakit kinakailangang ipagpaliban muna ang pangangaroling sa taong ito.

Sang-ayon din si Department of the Interior and Local Government Secretary at Vice Chairman of the National Task Force on COVID-19 Eduardo Año na isagawa ang naturang caroling ban ngayong taon.

“Based on studies and statistics, the spread of COVID-19 is more likely to occur in mass singing like choir and caroling because singers have to remove their masks as they sing and viruses are released through aerosols,” pahayag ni Secretary Año.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.