Inilahad ng Commission on Elections (COMELEC) na bukas na ang kanilang opisina para sa voter’s registration maging sa mga araw na mayroong holiday.
Ayon sa COMELEC, bukas ang kanilang opisina mula Martes hanggang Sabado, 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. kabilang na ang mga araw na mayroong holiday. Tuwing Lunes naman isinasagawa ang disinfection sa mga opisina ng COMELEC.
Inaasahang sa pagpapalawig ng oras ng voter’s registration, mairerehistro ang humigit kumulang 1.3 milyong eligible new voters na hindi pa rehistrado para sa darating na 2022 national election.
Maaaring makakuha ng appointment slot ang mga magpaparehistro online mula sa website na irehistrocomelec.gov.ph at sagutan ang form na makikita rito.
I-print ang form na ito ng back-to-back sa long bond paper at magdala ng valid government ID na nagpapakita ng lugar at petsa ng kapanganakan.
Kamakailan, naglabas na rin ang COMELEC ng schedule para sa overseas voters.