COMELEC FRONTLINERS, MGA KAWANI NG BPO, KASAMA NA SA A4 NA KATEGORYA NG PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Mas marami pang mga indibidwal ang nalalapit nang maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na madagdag sa A4 Priority Group ng pagbabakuna ang ilan pang uri ng mga manggagawa sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng pagsisikap ng pamahalaan na mas lalo pang paigtingin ang kampanya nito sa pagbabakuna laban sa nasabing virus.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, ang mga empleyado ng mga sumusunod na industriya o ahensya ay kabilang na sa A4 na kategorya ng pagbabakuna kontra COVID-19:

  • Business process outsourcing industry; at,
  • Commission on Elections

Madadagdag naman sa Priority Group A4.2 ng pagbabakuna ang mga dealer, retailer, at attendant ng liquefied petroleum gas o LPG, na mapapasama sa kategorya ng retail trade operators at frontliners.

Dagdag pa ng opisyal, nalalapit na ang nakatakdang pagsisimula ng pagpapalawig ng saklaw ng pagbabakuna, kung saan kabilang na ang mga indibidwal na nasa A4 at A5 na kategorya.

“Isasabay po natin ang A4 at A5 at ito ay magsisimula na sa Hunyo, if not even earlier possibly within the last week of May. Tingnan po natin,” saad ni Roque.

Sinabi naman ng Kalihim na hindi ipamamahagi sa A4 na kategorya ang mga bakunang mula sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX, na siyang namamahala upang matiyak na pantay-pantay ang distribusyon ng COVID-19 vaccines sa mga bansa, bagkus iyong mga bakunang binili ng gobyerno ang ibibigay sa mga ito.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang distribusyon ng mga bakuna sa mga lokal na pamahalaan. 

Ayon sa Pangulo, hindi magiging katanggap-tanggap kung matatalo ang bansa laban sa giyera kontra COVID-19 kung nagkataong mawawalan ng bisa ang mga bakuna bunsod ng kapabayaan.

“Ito, kailangan ng handling, special kind of handling. It has to be — there’s a certain temperature that you have to maintain. Otherwise, you would lose out [on] everything. It would lose its effectiveness. I am just saying this because I do not want to lose the battle here through negligence,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Matatandaang sinimulan ng pamahalaan ang programa nito sa pagbabakuna kontra COVID-19 noong Marso 1, 2021, kung saan pinakaprayoridad ang medical frontliners na nasa A1 na kategorya. Sinundan naman ito ng mga alkalde at gobernador na nasa A1.5; senior citizens (A2), mga indibidwal na may comorbidities o iniindang dalawa o mahigit pa sa dalawang sakit (A3); government at economic frontliners (A4); at mga mahihirap (A5).

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.