COMELEC: VOTER’S REGISTRATION BALIK NA NGAYONG ENERO 4

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Muling binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter’s registration simula ngayong Lunes, Enero 4, 2021, para sa mga hindi pa nakakapagparehistro upang makaboto sa 2022 elections.

Maaaring makapagpatala sa mga lokal na opisina ng Comelec mula Lunes hanggang Huwebes, simula 8 a.m. hanggang 3 p.m. Ang Biyernes naman ay nakalaan para sa disinfection ng nasabing mga tanggapan, maliban na lamang kung may ibang araw na itinakda para rito ang local government unit.

Sa gitna ng muling pagbubukas ng pagrerehistro para sa mga botante, ipinaalala naman ng Comelec sa publiko ang patuloy nitong ginagawang pag-iingat para maiwasan ang paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The public is reminded that anti-COVID-19 protocols are being strictly imposed in all Comelec offices,” saad ng ahensya sa kanilang inilabas na advisory.

Matatandaang unang sinuspende ang voter’s registration sa bansa noong Marso 9 ng nakaraang taon sa gitna ng banta ng pandemya. Muli naman itong binuksan noong Setyembre 1, 2020. 

Pansamantala rin itong itinigil upang magbigay-daan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, Rizal Day noong Disyembre 30, at ng Bagong Taon. Noong Disyembre 29, 2020 pa huling tumanggap ang Comelec ng mga magpaparehistro.

Magugunita ring pinasinayaan ng tanggapan noong Nobyembre ng nakaraang taon ang  iRehistro, ang kanilang online portal na nakalaan para sa voter’s registration at pag-update ng voter records. 


Bagama’t pinahihintulutan ng iRehistro na makapagsumite ang mga botante ng kanilang aplikasyon online, kinakailangan pa rin silang personal na magtungo sa lokal na opisina ng Comelec, o sa Philippine Embassy o konsulado para naman sa mga Pilipinong nakabase sa ibang bansa upang kumpletuhin ang kanilang aplikasyon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.