COMMUNITY OUTREACHES NG AFP, GUMUGULONG SA GITNA NG PANDEMYA

Ni Trish Alcantara
Photo: 7th CRG
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinapurihan nitong Abril 22 ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana ang iba’t ibang community-based efforts ng military units ng AFP sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nais ipahatid ng AFP na iba’t ibang programa at kampanya rin ang isinasagawa ng civil-military operators ng ahensya simula pa Marso 2020 nang magsimula ang pandemya.

Sa katunayan sa NCR, nasa 653,933 kabahayan o 2,581,852 indibidwal ang nahatiran na ng tulong ng 7th Civil Relations Group of the Civil Relations Service ng AFP.

Sa ilalim ng “Kapwa Ko Sagot Ko” campaign ng AFP, nagsagawa na ang militar ng community-owned feeding program, “Tulong Uwi-Balik Probinsya”, “Pagkain sa Walang Bahay”, “Ayuda Mag-aaral at Paaralan”, “Katuwang Para sa Kapwa”, at “Sagip Kapwa”.

Nakapaghatid na rin ng ayuda o donasyon sa tulong ng ilang pribadong indibidwal ang Office of the Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations (OJ7) Civil Military Coordinating Center. Nasa 251,443 kahon ng donated items ang naipadala na ng naturang opisina sa mga komunidad at frontline workers sa Pilipinas noong Disyembre 2020.

Partner din ng DA ang AFP sa implementasyon ng “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 Program” na nagsusulong ng food production sa urban areas. Ilang community dumpsites at abandoned areas na ang nagawang communal gardens, samantalang nasa 780,000 starter kits at 460,000 household gardens  na ang nagawa sa ilalim ng “Raise to 1 Million Gardens in NCR” na kampanya. Nasa 20 community gardens na rin ang naorganisa sa buong NCR, na may 76 volunteers.

Nakapagbigay na rin ang OJ7 ng transportasyon sa stranded health workers at ilang exempted individuals sa quarantine. Binuksan din ng Philippine Army at Philippine Air Force ang kanilang transient facilities para sa locally stranded individuals.

Katuwang din ang AFP sa information and education campaign ng Youth for Peace and Development Movement-Philippines sa “Stay Home” kampanya ng gobyerno sa social media.

“The AFP’s community-based efforts promote compassion, harmony, and bayanihan which continue to inspire and help and motivate our people even in the darkest and most challenging times. Through these projects, our soldiers served as vessels of blessings and catalysts to empower our communities to be more resilient and prepared in times of crisis,” pasasalamat ni Gen. Sobejana.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.