‘Core COVID hospitals’ sagot sa kapos na bed capacity sa Metro Manila

Ni Monica Ladisla
National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.

MANILA, Philippines Inirekomenda ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. na magkaroon ng apat na ospital na eksklusibo para sa mga pasyente ng COVID-19 sa ginanap na pagpupulong sa Malacañang kaninang umaga.

Ito ay matapos lumabas ang balitang kulang na ang bed capacity sa intensive care units (ICU) ng ilang pribadong ospital sa Metro Manila at hindi na umano sila tatanggap ng mga taong nagpositibo sa virus.

“Maganda po na magkaroon tayo sa Metro Manila ng tinatawag na core COVID hospitals dedicated, kasi po ang problema natin kapag kumakain tayo ng percentage sa non-COVID beds, ‘yung non-COVID patients ang nako-compromise, ‘yung mga may dialysis, cancer, ‘yun po ang nagiging casualty,” paliwanag ni Sec. Galvez.

Dagdag pa niya, ang pamamaraang ito ang ginawa ng China kung saan agarang naipatayo ang isang ospital sa loob lamang ng sampung araw upang makontrol ang pagkalat ng COVID sa naturang bansa.

Iminungkahi din Sec. Galvez na maitaas ang kapasidad ng ICUs gayundin ang isolation beds sa kalakhang Maynila upang higit na mabawasan ang COVID-19 related deaths. Sa paglilibot umano niya sa Maynila, nakita niya na mayroong mga government hospitals na maaaring ilaan para sa mga may kaso ng Coronavirus.

Samantala, ayon sa pinakahuling press briefing ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon nang pasilidad ang NCR na eksklusibo para sa COVID-19 patients. Ito ang Philippine General Hospital, National Kidney and Transplant Institute, at Quirino Memorial Medical Center. Dagdag niya, dadagdagan na lamang daw ang mga ospital para sa mga COVID-19 patients.

Nilinaw naman ni Sec. Roque na maaaring kumuha ng medical services ang publiko sa ibang lokal na pamahalaan sa loob ng National Capital Region sa oras na hindi na matugunan ng kanilang lungsod ang kanilang pangangailangang medikal.

Dahil dito, itinalaga si Treatment Czar Health Undersecretary Leopoldo Vega na pamunuan ang Hospital One Incident Command upang magkaroon ng maayos na referral system ng pasyente sa parehong pampubliko at pribadong ospital.

Sa ilalim ng sistemang ito, ang mga pasyenteng natukoy na critical at severe ay bibigyang prayoridad sa biosafety level 3 hospitals, samantala ang mga mild at asymptomatic patients ay isasangguni sa isolation facilities.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, 49 porsyento ng ICU beds o 678 beds mula sa 1,377 beds ang okupado habang 49 porsyento o 5,248 beds mula sa 10,669 beds ang okupado sa ngayon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.