“Covid-19 ka lang, mananahi kami”

Ni Benjie Dorango

Mula sa pagiging tambay dahil sa mahigpit na community quarantine, 2,800 kada araw ang kinikita ngayon ng pamilyang ito.

Kahapon, tinanggap ito ni Maria Elena Marquita Lagunsin ng Saluysoy Rd. Brgy San Agustin Trece Martires, Cavite. Bukas, tatanggap uli s’ya nito.

At kung dadagdagan pa ng kanyang pamilya ang sipag, tatanggapin nila ito hangga’t hindi natatapos ang proyekto.

S’ya at ang kanyang pamilya ang katuwang ngayon ng gobyerno para makagawa ng 30 milyong piraso ng face mask na planong ipamigay sa mga mahihirap nating kababayan.

Kabilang na ang 4P’s beneficiaries, PWDs, senior citizens, buntis, at iba pang mga walang pambili nito.

Nagsimula na itong ipamahagi noong pang Agosto 12 sa Antipolo, Rizal, sumunod sa Cavite, Laguna, at Bulacan kasabay ng pagbisita ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (C.O.D.E) Team na pinangungunahan ni Health Secretary Francisco Duque III kasama ang iba pang mga kalihim.

Daang libong medical grade cloth face mask na ang naipamigay na kaya double time ngayon ang pamilya ni aling Maria Elena.

Naka-cut na ang face mask kapag dumating sa kanila. Kailangan na lang itong iporma sa kanilang makina bago lagyan ng garter. Pagkatapos matahi, saka ito ibabalot ng plastic. Katuwang n’ya sa proyekto ang kanyang asawa’t anak.

Mula sa 200 piraso kada araw na tahi, ngayon nakaka 700 piraso na ang kanilang produksyon.

Bukod sa pamilya ni aling Maria Elena, marami pang mananahi ang nabenepisyuhan din ng proyekto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

KKK Mananahi ang tawag sa kanila.

Ito ngayon ang kanilang bagong kabuhayan sa gitna ng hamon ng pandemya.

Para sa mga gustong maging bahagi ng proyekto, maaaring makipag-ugnayan sa KKK MANANAHI Nationwide Coordinating Office sa numerong 09077788854 at hanapin si Cristina Reyes.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.