COVID-19 SALIVA TEST, NAKATAKDANG ILUNSAD NG PRC NGAYONG LUNES

Ni Monica N. Ladisla
Source: PTV News
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Philippine Red Cross (PRC) ng saliva test upang matukoy ang mga positibong kaso mula sa mga saliva samples.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pasado na umano sa Laboratory Expert Panel (LEP) ang ginawang pag-aaral ng PRC para sa saliva testing.

“Just this week, we had a meeting with PRC and they presented the results of their studies and it was agreed by the LEP that it passed,” pahayag ni Usec. Vergeire.

Inirekomenda umano ng LEP sa DOH na maging alternatibo ang saliva testing subalit, kinakailangan umanong sa mga laboratoryo ng PRC lamang ito gagamitin.

Nakatakdang ilunsad ang pamamaraang ito sa molecular laboratories ng PRC sa Mandaluyong at Port Area sa Maynila. 

“By February, we expect the whole country, all the 13 molecular laboratories of the Philippine Red Cross can test for saliva,” ani Dr. Paulyn Ubial. 

Sa loob ng tatlong oras, maaari na umanong malaman ang resulta ng isinagawang saliva test at aabot lamang sa dalawang libo ang halaga nito, mas mura kung ikukumpara sa RT-PCR test.

Nangako naman si PRC Chairman Sen. Richard Gordon na dadalhin ang saliva testing sa mga probinsya sa bansa at sa Pebrero 5, buong bansa na umano ang maaaring gumamit nito. 

Para sa mga nais kumuha ng serbisyong ito, maaari umanong magbook sa book.redcross1158.com. Payo rin ni Sen. Gordon, 30 minuto bago isagawa ang prosesong ito, bawal na umanong kumain at uminom ang pasyente.

Sa kasalukuyan, hinihintay pa umano ng PRC na aprubahan ng DOH ang paggamit ng saliva test sa mga airport.

“Sa Japan, sa airport, tine-test yan, (at) sa (They do it in airports in Japan and) Singapore. I don’t see any reason why we can’t do that,” ani Sen. Gordon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.