COVID-19 testing capacity ng Pinas, nanguna sa Southeast Asia – DOH

Ni Raiza F. Cabugwang
Source: Our World in Data

Nanguna ang Pilipinas sa hanay ng mga bansa sa Southeast Asian region pagdating sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing capacity.

Ito ang ibinalita ng Department of Health (DOH) base sa datos na inilabas nito noong Agosto 4, kung saan, ayon sa Kagawaran, nakapagsagawa na ang bansa ng kabuuang 1,643,539 COVID-19 tests.

Ayon pa sa DOH, nitong nakaraang linggo ay nakapagtala ang bansa ng 28,938 COVID-19 tests kada araw. 

Dagdag pa rito, sa kasalukuyan ay mayroon na ring 99 na lisensyadong testing laboratories sa bansa.

Base sa datos ng DOH, nasa 1.5% na rin ng kabuuang populasyon ng bansa ang sumailalim na sa nasabing pagsusuri. 

Ayon sa scientific online publication na Our World in Data, ang mga datos na ito ay mas mataas kung ikukumpara sa Indonesia, na isa rin sa may naitalang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia. 

Sa pinakahuling pagtatala ng Our World in Data noong Agosto 4, nakapagsagawa pa lamang ang Indonesia ng kabuuang 908,000 COVID-19 tests. Samantalang nitong nakaraang linggo naman ay nakapagtala pa lamang ito ng 14,291 tests kada araw. Nasa 0.34% ng kabuuang populasyon nito ang nasuri na.

Ang naitalang pagtaas sa testing capacity ng Pilipinas ay resulta ng patuloy na pagpupursige ng pamahalaan na mapalawig ang kakayahan nitong matukoy ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, alinsunod sa 5-point response strategy nito sa paglaban sa virus. Bukod sa testing, ang naturang istratehiya ay kinabibilangan ng prevention o pag-iingat, isolation, contact tracing, at treatment o paggagamot.

Saad pa ng DOH, nakabuti rin ang pinalawak na testing capacity ng bansa sa pagpapahusay ng disease surveillance strategies nito, kabilang na ang aktibong paghahanap ng DOH, kasama ang local government units (LGUs) at iba pang mga ahensya ng gobyerno, sa mga posibleng apektado ng virus. Dahil sa pinaigting na disease surveillance ng bansa, nasa 148 karagdagang lugar na may clustering o mga “kumpulan ng kaso” ang natukoy at naiulat nitong nakaraang linggo. 

Bagamat may pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa base sa araw-araw na ulat ng DOH, nananatiling mababa pa rin ang Case Fatality Rate (CFR) ng bansa na nasa 1.8% o 2,123 katao base sa huling pagtatala nito noong Agosto 5 — mas mababa kung ikukumpara sa global average CFR na 3.7% at sa CFR ng Indonesia na nasa 4.7% o 5,388 katao.

Kamakailan ay nabanggit ng Kagawaran na ang pagbaba ng CFR sa bansa ay dulot ng pinaigting na overall case management at treatment protocols dito.

Kasama rin sa ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na mapaigting ang laban kontra COVID-19 ay ang pagkakaroon ng “community-focused strategy”, kung saan ginagawang localized ang pagresponde sa pandemya sa pamamagitan ng pagtutok at pagbabantay sa mga “kumpulan ng kaso” sa mga barangay kung saan nagmumula ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.