COVID-19 VACCINES NG MAHIHIRAP NA LGUS, SAGOT NG GOBYERNO

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Malacañang kahapon na sasagutin ng pambansang pamahalaan ang gastusin sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 para sa local government units (LGUs) na may maliliit na pondo.

Ito ay matapos magtalaga ng sari-sariling pondo ang iba’t ibang probinsya at lalawigan para sa pagbili ng bakuna na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaari pa ring bumili ng kanilang sariling suplay ng bakuna ang ibang LGUs para sa kanilang nasasakupan..

“Ang national government nga po, ang NTF (National Task Force) handa na siya mismo ang bumili para sa lahat. Pero dahil ang mga LGUs ay may mga pondo naman sila at mayroon silang kakayahan at ninanais nila talagang tulungan ang national government, hindi po natin minasama iyon at tinanggap natin iyong kanilang mga offer na tumulong,” Roque said in a press briefing.

Nauna nang binanggit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang press briefing na naglaan na ang pamahalaan ng Php75 bilyon para sa bakuna ng 57 milyong Pilipino.

Dagdag ni Roque, ang unang 50,000 sa 25 milyong doses ng bakuna para sa COVID-19 na magmumula sa Sinovac ay ilalaan lahat sa mga health worker. 

“Mauuna po iyong mga priority areas na health workers ang bibigyan. Pero ang initial agreement po ‘no although, hindi pa po ito in the form of a resolution ay uubusin ang lahat ng health workers muna sa Pilipinas (Priority will be given to those priority areas that health workers will be given. But the initial agreement ‘no although, it is not yet in the form of a resolution will consume all vaccines to health workers in the Philippines first) before we move on to the next sector,” saad niya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.